Article Inside Page
Showbiz News
Samahan sina Chris Tiu at ang kanyang I-Bilib barkada na sina Moymoy Palaboy, Roadfill, Pauleen Luna at Vaness del Moral sa kanilang pagtuklas kung paano gagawing pambihira ang mga bagay na araw-araw nating nakikita!
Samahan sina Chris Tiu at ang kanyang I-Bilib barkada na sina Moymoy Palaboy, Roadfill, Pauleen Luna at Vaness del Moral sa kanilang pagtuklas kung paano gagawing pambihira ang mga bagay na araw-araw nating nakikita!
Ang iba’t ibang uri ng liquids tulad ng honey, tubig at alcohol ay kayang pagpatungin nang hindi maghahalo-halo? Gagawin nila ang
MAGIC LIQUID TOWER experiment para malaman ang kasagutan. Magtagumpay kaya sila?
Puwedeng lumpiad kahit wala kang pakpak! Ano’ng gamit sa bahay kaya ang puwedeng gamitin para sa
FLYING ILLUSION na ito?
Alamin kung ano ang mga
TRIVIA tungkol sa dami ng tubig sa mundo, Pasig River at mga taong kayang magsulat ng pabaliktad!
Samahan din sila James at Rodfil sa kanilang
EXPERIMENT TIME sa Luksuhin National High School kung saan gumawa sila ng
FIRE TORNADO!
Alamin din mula kay Pauleen kung nakakahilo bang gumawa ng
SPIN ART gamit ang isang hand-held electric fan.
Ihanda ang sarili sa isang kakaibang laro ang
CHALLENGE 21 GAME BOARD na ginawa ng Bilibabol Pinoy inventor na si Leonardo Yu.
Ang isang maliit na supot ng tsaa ba ay kayang lumipad nang kusa at maging isang
TEABAG ROCKET? Ang
SKY LANTERN bakit kayang lumipad nang dahil lang sa kandilang maliit?
Alamin ang mga nakamamanghang kasagutan ngayong Linggo ng gabi sa
I-BILIB, The Wonders of Horus, Linggo sa GMA-7, pagkatapos ng
Kap’s Amazing Stories.