Kilalanin ang wonder magician ng Cavite, mamangha sa fire dancing at hulaan kung sino ang contestant na kasama raw dati sa 'Encantadia' ngayong Martes ng gabi sa 'Bet ng Bayan.'
By AEDRIANNE ACAR
Espesyal ang episode this Tuesday sa Bet ng Bayan dahil magpapasiklaban ang mga contestants na may kakaibang talento.
Tonight, makikilala niyo ang wonder magician ng Cavite na si Ian Adriano. Maaantig kayo sa kuwento niya dahil ang ina lamang niya ang nagtaguyod sa kanilang magkakapatid.
Alamin kung paano natutong mag-magic si Ian and if he can survive the competition sa Bet ng Bayan?
Mamamangha rin kayo sa fire dancing skills ni Arjay Moratillo mula sa Dasmariñas, Cavite.
At mahulaan niyo kaya kung sino sa mga contestants ngayong gabi ang dati raw kasama sa hit telefantasya ng Kapuso network na Encantadia.
Tumutok mamaya sa Bet ng Bayan hosted by Kapuso heartthrob Alden Richards dito lang sa paborito niyong GMA Telebabad.