
Dalawang teams na binubuo ng professional magicians at weather forecasters ang mapapanood sa exciting na Martes (May 20) sa Family Feud.
Masaya at puno ng entertainment ang inihanda ng Family Feud sa tapatan ng magic at science ngayong May 20.
Tampok sa Team Magic ang professional magicians mula sa Inner Magic Club of the Philippines sa pangunguna ng seasoned magician and events host, at club's chairman na si James Cuevas. Makakasama sa grupo si Teddy Rodas o Teddy Bravo na kilala sa pag-mix ng magic at ventriloquism. Aabangan din sa Team Magic ang skilled close-up magician na si Raven Garon, at ang isa sa top female magicians in the country na si Rosela Rondez.
Mula naman sa Team PAGASA, mapapanood ang weather forecasters mula sa DOST-PAGASA. Kasama sa Team PAGASA sina Weather Specialist II Robert Badrina, PAGASA spokesperson and Weather Specialist II Benison Estareja, Weather Specialist II Loriedin De La Cruz-Galicia from Bicol, at ang isa sa youngest forecasters ng PAGASA na si Chenel Dominguez.
Abangan kung ang masters of illusion o ang brilliant minds of the national weather bureau ang team na magwawagi ngayong Martes sa Family Feud!
"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.