
Sa interview ni Marian Rivera with Lhar Santiago, naitanong ng 24 Oras reporter kung makikita ba ng fans niya na umarte siya bilang guest actress sa bago niyang show, ang Tadhana, kung saan host ang aktres.
Aniya, "Yun ang dapat nilang abangan." Pa-joke naman niyang sinabi, "Para mag-rate kami."
Eh, paano nga kung hilingin ito ng fans niya? Ika niya, "Aba, kung hihilingin nila, sino ba naman ako para tangihan sila. Gagawin ko yan para sa kanila."
Ipapalabas na ang Tadhana ngayong May 20, kung saan bibida si Cherie Gil at Kris Bernal bilang ang mapang-abusong amo sa Saudi Arabia at ang domestic helper na nangarap lang magkaroon ng magandang buhay ngunit bangungot ang sumalubong sa kanya.