
Magkakasama sila sa serbisyo, pero ngayong Biyernes, magkakalaban muna ang mga male at female marines sa Family Feud!
Ngayong August 28, mapapanood ang Team Corps Runners at Team Fearless Femmes dalawang araw bago sila sumabak sa Philippine Marine Corps Kabayanihan Run 2026. Ang Kabayanihan Run ay gaganapin sa National Heroes' Day, August 30, sa Bonifacio Naval Station Grandstand sa loob ng Marine Base Rudiardo Brown (MBRB) sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinangungunahan ang Team Corps Runners ni Marine Officer Maj. Jeffry C. Marquez PN(M) na kasalukuyang naka-assign sa Philippine Marine Corps Finance Center.
Kasama niyang lalaban sina 1Lt. Kent Lemuel O. Cultura PN(M), officer-in-charge ng 21st Marine Company, 1st Marine Rifle Battalion; 2Lt. Dan Pieter C. Camisura Jr. PN(M), 2nd platoon commander ng 23rd Marine Company, 3rd Marine Rifle Battalion; at 2Lt. Mark Jason F. Mirasol PN(M), na kasalukuyang nakatalaga sa Assistant Chief of Capability and Development Office MC6, Headquarters Philippine Marine Corps.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa kabilang panig naman ang Team Fearless Femmes na pinamumunuan ni Cpt. Hannah Marie H. Parcon PN(M). Siya ay ang naka-assign sa Motor Transport and Maintenance Battalion sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Makakasama niya sa laban sina 1Lt. Precious Anne M. Vergara PN(M), executive officer ng 33rd Marine Company, 3rd Marine Rifle Battalion; Sgt. Mely Rose Escarola PN(M), research non-commissioned officer (NCO) ng Office MC7, Philippine Marine Corps; at Cpl. Jereden Army S. Hernando PN(M), isang drill instructor na nakatalaga sa Marine Corps Force Development Center, Philippine Marine Corps.
Alamin kung sino ang mananaig sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 28, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.