GMA Logo
What's Hot

'Magkaagaw' star Jeric Gonzales releases new single "Line To Heaven"

By Cara Emmeline Garcia
Published March 10, 2020 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Mapapakinggan na ang bagong single ni Jeric Gonzales na “Line To Heaven” sa iba't ibang streaming sites, nationwide.

Pagkatapos ng ilang buwan ng paghahanda, mapapakinggan na ang latest single ni Magkaagaw star Jeric Gonzales na “Line To Heaven” ngayong araw, March 10.

#Magkaagaw star #JericGonzales releases his 2nd single under GMA Music entitled LINE TO HEAVEN. Stream now! player.believe.fr/v2/3616404154262

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on

Ang “Line To Heaven” ay orihinal na kinanta ng grupong INTRoVOYS na isa sa mga bandang hinahangaan ni Jeric noon pa.

Noong Oktubre, ipinasilip ni Jeric ang kanyang pagbabalik sa recording booth kung saan makikita ang lyrics ng kanta.

Aniya sa GMANetwork.com, matagal na niyang pinaplano ang pagbabalik musika na nagsilbing first love niya bago pa man siya pumasok sa showbiz.

Sambit ni Jeric, “In terms of music, meron akong single na ginawa at na-record ko na siya.

“Pero nasa marketing na lang kung kailan namin siya ire-release either this year or next year. Pagpa-planuhan pa lang namin.

“'Yung isang song, revival lang siya ng INTRoVOYS na "Line To Heaven." Magandang song siya.

“Nagkasundo 'yung manager ko at saka si Paco [Arespacochaga] 'yung sa INTRoVOYS na pwede kong kantahin ulit.

“It's about time rin naman at saka maganda rin 'yung song.

“Hindi nakilala 'yung song pero na-record siya nung nag-compose. So ayun, pumayag rin siya na kantahin ulit para mabigyan ng magandang rendition.”

Mapapakinggan ang bersyon ni Jeric ng “Line To Heaven” sa iba't-ibang music streaming sites.

Mapapanood rin siya sa hit GMA Afternoon Prime soap na Magkaagaw, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga.

LOOK: Jeric Gonzales releases new single 'Taksil' under GMA Music