
Gaya ng ibang magkakapatid, nakabuo rin ng magandang relasyon si Zoren Legaspi at ang kaniyang mga kapatid na sina Kier at Brando Legaspi sa isa't isa, dahilan para lumaki silang tila magbabarkada.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 12, bilang mga nagaguwapuhan at mga baguhang aktor noon, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Zoren kung sino sa kanila nina Kier at Brando ang lapitin noon ng mga bakla.
Ani Zoren, “Actually, kami atang tatlo kasi natatandaan ko nu'n, may business kasi yung erpat ko sa Sta. Mesa. E, may game room dun, alam mo 'yung mga Pac-Man? Uso pa yung mga game room, tatawid kam du'. Bago kami tumawid dun, may parlor kaming tatawiran. E, may mga ano dun, alam mo na.”
Paliwanag ng aktor, kinakatuwaan lang naman sila noon ng mga empleyado ng parlor dahil puro sila lalaki at nakita ang closeness nila na parang magbabarkada lang. Ani Zoren, iyon din mismo ang dahilan kung bakit lumaki silang konti lang ang mga kaibigan.
“Kaya kami lumaki ngayon na hindi kami mabarkada kasi kaming apat mismo, magbabarkada na. Sa parties, nag-start kami nang maaga, 16 years old, nagpa-party na kami sa Chicago noon,” sabi ni Zoren.
KILALANIN ANG ILAN SA MGA TALENTED KAPUSO SIBLINGS SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa kaniyang mga kapatid, itinuturing din ni King of Talk Boy Abunda ang pamilya nina Zoren at Carmina Villaroel bilang ideal celebrity family.
Komento ni Zoren dito, “Thank you very much. We try to be intact. And sa awa and tulong ng Diyos, everyone kasi, aligned e. Aligned kami sa isa't isa.”
“Of course, may mga bagyong darating, but lumilipas, e. 'Yung hindi mo pinatatagal 'yung bagyo. It's just a season, hindi mo pwedeng patagalin 'yan ng buong taon. Dapat 'yan lumagpas. So nalalagpasan po namin,” pagpapatuloy ng aktor.
Panoorin ang panayam kay Zoren dito: