
Masayang-masaya si Regine Velasquez na umuwi mula sa taping ng Full House Tonight! pagka't hindi lang puno ang puso niya nang katatawanan at kantahan, napuno rin ang pitaka niya ng kwarta.
Sa isang Instagram video na pinost ng Asia's Songbird, pinakita niya kung magkano ang kinita niyang pera mula sa mga fans na nag-abot ng salapi upang makapag-request ng songs na aawitin ni Regine.
Sa kagustuhan ng mga fans na marinig kantahin ni Regine ang mga paborito nilang awitin, umabot sa 3,500 PHP ang kinita ng Kapuso singer! Nangyari ang lahat ng ito sa segment na
"Regine by Request" ng Full House Tonight! kaya't 'wag niyong palampasin ang eksenang ito.
MORE ON REGINE VELASQUEZ:
WATCH: Dingdong Dantes, gumanap bilang parlorista sa 'Full House Tonight!'
WATCH: Gabby Concepcion, game na game nakipagkulitan sa 'Full House Tonight!'
WATCH: Sino ang pinaka "masarap" na ka-kissing scene ni Regine Velasquez