GMA Logo Jean Garcia
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Magkapatid na inabandona ng sariling ama, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 20, 2021 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cambodian parliament passes landmark cybercrime law after scam center scrutiny
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


May handog na maagang pamasko ang 'Wish Ko Lang' para sa magkapatid na Jeff at Hazel.

Nasaksihan natin noong Sabado, December 18, ang masalimuot na kwento ni Anita at ng kanyang dalawang anak na sina Jeff at Hazel sa "The Affair" episode ng bagong Wish Ko Lang. Binibigyang buhay nina Jean Garcia, Dentrix Ponce at Crystal Paras ang mga karakter sa kuwento.

Matapos ang tatlong taong hindi pagpaparamdam ng asawa ni Anita na si Noel (Arnold Reyes) na nagtrabaho sa Italya kasama ang kumareng si Ruby (Arny Ross), natuklasan ng una na nagbabahay-bahayan na pala ang asawa at kumare niya.

Nang kumprontahin ni Anita si Noel, mas pinili pa rin ng huli na abandonahin ang kanyang mag-iina at sumama kay Ruby.

Sa kabila nito, pinagsikapan ni Anita na buhayin ang kanyang mga anak hanggang sa bawian ng buhay dahil sa kidney failure.

Sa kasalukuyan, si Hazel na ang nag-aalaga sa kapatid niyang si Jeff na mayroong sakit sa pag-iisip. At para madagdagan ang pag-asa sa buhay nina Hazel at Jeff, maagang pamasko ang handog ng bagong Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Sinagot na ng programa ang medical assistance ni Jeff at binigyan naman ng 4-year scholarship si Hazel para maituloy ang kanyang pag-aaral.

Binigyan din ng bagong Wish Ko Lang sina Jeff at Hazel ng school supplies, tablet at negosyo package. Nariyan ang siomai business, bigasan business, beauty business, milk tea business at manukan business.

Dahil malapit na ang Pasko, binigyan din ng programa sina Jeff at Hazel ng noche buena package, mga bagong kagamitan tulad ng damit, at isang staycation package. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal para sa magkapatid.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "Gayuma" episode ngayong Sabado, December 25, sa "Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials," alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Jean Garcia sa gallery na ito: