What's on TV

Magkapatid na na-in-love sa iisang "the one," tampok sa 'Love You Two'

By Jansen Ramos
Published March 6, 2019 12:14 PM PHT
Updated April 11, 2019 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang nakaka-kiliting kuwento nina Raffy, Sam at Jake sa 'Love You Two' soon on GMA.

Kung #SisterGoals ang pag-uusapan, nangunguna riyan ang mag-ate na sina Raffy at Sam!

Very devoted si Raffy sa kaniyang family kaya naman over protective siya sa kaniyang nakababatang kapatid na si Sam. Namatay na rin kasi ang kanilang ina, samantalang missing in action naman ang kanilang ama kaya si Raffy na ang tumayong guardian ni Sam.

Pero paano kung ang magkapatid ay maging magkaribal dahil na-fall sila sa iisang lalaki na much older pa sa kanila?

Paano kaya ito makaka-apekto sa relasyon nila?

Kaya bang ibigay ni Raffy ang happiness ng kaniyang younger sister sa kabila ng age gap nila ng kaniyang "the one" na si Jake?

'Yan ang nakakalokang love triangle na dapat abangan sa upcoming romantic comedy series na Love You Two.

Pagbibidahan ito nina Gabby Concepcion, Shaira Diaz at ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Makiki-join din sa kwelang riot at kilig sina Solenn Heussaff, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Clint Bondad, Yasser Marta at ang bagong Kapusong si Kiray Celis.

Huwag palampasin ang nakaka-kiliting kuwento nina Raffy, Sam at Jake sa Love You Two soon on GMA.