GMA Logo cia with ba recap
Source: CIA with BA
What's Hot

Magkapatid, nasira dahil sa tsismis!

Published February 22, 2024 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

cia with ba recap


Isang babae ang inireklamo ang kanyang nakababatang kapatid dahil umano sa ikinakalat nitong tsismis tungkol sa kanya. Alamin ang kuwento rito:

Mapanakit ang mga salita.

Dumulog si Edna CIA with BA nitong Linggo, Pebrero 18, upang ireklamo ang kanyang nakababatang kapatid na si Rubie dahil umano sa pagkakalat nito ng tsismis na siya ay may ibang lalake.

Sabi niya, posible talaga itong magawa ng kapatid dahil ito mismo ang sabi ng kanyang asawa, pero mariing itinanggi ito ni Rubie dahil aniya hindi niya ito magagawa dahil sila ay magkadugo.

“Kasiraan niya, kasiraan ko din,” sabi ni Rubie.

Inihayag na rin niya ang mga hinaing laban sa nakatatandang kapatid dahil umano sa pananakit at pang-iinsulto nito sa kanyang mga anak.

“I remember 'yung isang riddle: 'habang nababawasan, lalong lumalaki - butas,” pagbabahagi ni Senador Alan Peter Cayetano nang kanilang pagnilayan ang kaso.

“Gano'n pala 'yung mga problema sa relationship, kapag hindi mo na-ceasefire, lalong lumalalim nang lumalalim. So, dadating 'yung isang araw na napakahirap nang i-solve.”

Kasama ang kapatid at kapwa senador na si Pia Cayetano at co-host na si Boy Abunda, sinubukan ni Alan na ipaintindi sa dalawa kung gaano kahalaga ang magkapatawaran sila na tila mahirap para kina Edna at Rubie.

Sinabi ng dalawa na bukas naman sila para dito dahil kahit na anong mangyari, sila ay magkapatid.

Sa pagtatapos ng segment na "Case 2 Face," ipinagdasal sila ni Alan.

“I still believe na malaki pa rin ang pag-asa ni Edna at ni Rubie pero lesson sa ating lahat, kung merong hindi pagkakaunawaan, try to resolve it right away. Kung hindi ma-resolve, 'wag nating pilitin, pero 'wag nang lumalim pa,” sabi ni Alan.

“I'm really hoping 2024 will be a year of healing for all Filipino families,” dagdag pa niya.

Para naman kayPia: “We always encounter this. Ang laking role po ng mga kaibigan, kapitbahay, ibang kamag-anak na 'wag nang dagdagan.”

Ang CIA with BA ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang Compañero y Compañera noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang CIA with BA kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.