
Susuportahan si Corrine (Song Hye-kyo) ng kanyang mga kaibigan.
Sa #NowWeAreBreakingUpFinale episode ngayong gabi, tuluyan nang magre-resign si Corrine sa Sono.
Sasamahan naman siya ng kanyang mga kaibigan na sina Liam at Silvi sa kanyang bagong journey.
Magiging katulong ni Corrine ang dalawa sa itatayo niyang sariling clothing line.
RELATED CONTENT: Meet the cast of Now We Are Breaking Up
Samantala, nagiging maganda na ang takbo ng career ni Jameson (Jang Ki-yong) bilang photographer sa Paris.
Sa gaganapin na Fashion Week sa Busan, magtagpo kaya muli ang landas nina Jameson at Corrine?
Magkaroon kaya sila ng happy ending?
Source: GMA Network
Panoorin ang finale episode ng Now We Are Breaking Up ngayong gabi, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.