Celebrity Life

Magkasintahan, gumawa ng DIY drive-in cinema sa garahe ng kanilang bahay

By Jansen Ramos
Published September 18, 2020 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

drive in cinema new normal


Para hindi na lumabas ng bahay para makapag-date, nakaisip ng kakaibang film viewing gimmick ang magkasintahang sina Love at Dale.

Dahil nauso ang drive-in cinema ngayong new normal, gumawa ng sariling pakulo ang magkasintahang sina Lovella Esperida at Randale Vince De Guzman.

Ayon sa isang episode ng New Normal: The Survival Guide series na Home Work, pinili nilang gumawa ng DIY drive-in cinema sa garahe ng kanilang bahay para hindi na nila kailanganing pumunta ng mall para makapag-date.

Ani Dale, "Meron pong nagbukas na drive-in cinema, kauna-unahan daw po 'yun sa bansa.

"So, ginaya po namin dahil nga sa pandemic 'di ganon ka-safe. So, naisip naming gawin na lang sa bahay."

Dugtong pa ni Love, "Sa sitwasyon ngayon, parang tatagal pa po s'ya, so kailangan na lang po natin mag-ingat at maging healthy."

Gamit ang projector, projector screen, at streaming device o flash drive na naglalaman ng iba't ibang pelikula, naging successful at romantic ang date night nina Love at Dale kahit pa nasa bahay.

Panoorin ang episode ng Home Work sa itaas para malaman kung paano nila sinet up ang kanilang DIY drive-in cinema at home.

Ang New Normal: The Survival Guide ay ang kauna-unahang daily magazine program sa bansa na nagpapakita ng mga pagbabago sa ilalim ng "new normal" na dulot ng COVID-19 pandemic.

Mula sa life hacks, money tips, family bonding ideas, at inspirational stories hanggang sa maiinit at napapanahong issues, layunin ng GMA Public Affairs program na magbigay kaalaman tungkol sa makabagong paraan ng pamumuhay.

Tuwing Huwebes, mapanonood sina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez sa Home Work, na magbibigay ng life hacks at tips para ma-survive ang quarantine life habang nasa sariling tahanan.

Panoorin ang Home Work tuwing Huwebes, 9:15 p.m., pagkatapos ng My Absolute Boyfriend sa GMA News TV.