GMA Logo Family Feud
What's on TV

Magkasintahang Rita Daniela at McLaude Guadaña, makakaharap ang basketball heartthrobs sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published December 1, 2025 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: February 12, 2026
3 barangay sa Iligan City na nasalanta ng Bagyong Basyang, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation
Iloilo City's P300M additional loan questioned

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga maglalaro sa exciting Monday (December 1) night tapatan sa 'Family Feud!'

Music meets basketball ang mapapanood ngayong December 1 sa Family Feud!

gayong Lunes, star-powered clash of talents ng Team Singing and Ballin' at ng Team Paangat ang ibibida sa Family Feud.

Maglalaro sa Team Singing and Ballin' ang Kapuso actress and singer na si Rita Daniela. Kasama niya sa Family Feud ang kaniyang boyfriend at LPU Pirates standout na Mclaude Guadaña. Kabilang din sa kanilang team ang kapatid ni McLaude at former volleyball athlete na si Ria Guadaña, at si Berna Magno, ang president ng official fan club ni Rita Daniela na Favoritas.

Magkakasama naman sa Team Paangat ang strong and spirited squad of court veterans. Ang former Ateneo Blue Eagle turned dedicated public servant na si Marco Sario; ang former UP Fighting Maroons team captain, model, na isa na ngayong sports analyst na si Brix Ramos; ang former Ateneo Blue Eagle originally from Jackson, Florida, at isa na ngayong basketball coach na si Shaggy Almond; at si CJ Sario, ang basketeer at younger brother ni Marco.

Laughs, teamwork, and competitive fun ang aabangan sa ngayong December 1, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: