GMA Logo Keanne Roeh Isurda and Rodolfo Isurda
Source: keanne.isurdaii/FB
What's Hot

Magna Cum Laude graduate, tinupad ang pangarap ng ama makapagsuot ng toga

By Kristian Eric Javier
Published October 29, 2024 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Keanne Roeh Isurda and Rodolfo Isurda


Hindi man naka-graduate, proud ang isang ama sa pagtatapos ng kaniyang anak.

“Frustration ni tatay, nak. Kahit ganito, nakuha ko.”

Iyan ang naging sentimyento ni Tatay Rodolfo Isurda nang ipasuot sa kaniya ng anak na si Keanne Roeh Isurda ang toga nito. Nagtapos sa kolehiyo bilang Magna Cum Laude sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) si Keanne.

Sa video na in-upload ni Keanne sa TikTok na ni-repost din sa GO Rizal Facebook page, makikita na emosyonal si Tatay Rodolfo matapos ipasuot sa kaniya ng anak ang toga nito. Pag-amin kasi ni Tatay Rodolfo ay hindi siya nakapagtapos.

“Hindi ko naranasan 'yan, hindi ako naka-graduate. Suot mo nga sa'kin. Picture-an mo nga ako, anak. Hindi ako naka-graduate e,” sabi ni Tatay Rodolfo sa video.

Sa text na nasa video, sinabi ni Keanne na isa sa mga pangako niya sa kaniyang tatay ay makapagtapos ng Magna Cum Laude sa PUP.

Mesahe pa niya sa kaniyang ama, “Kahit hindi ka naka-graduate, daddy, ikaw pa rin ang da best!! Mahal na mahal ka namin.”

Nag-iwan rin ng mensahe si Tatay Rodolfo kay Keanne, “Kung ano man ma-achieve mo sa buhay mo, 'wag mo kalimutan kapatid mo ha. Tatlo lang kayo.”

Sa huli, ay ipinangako ni Keanne sa kaniyang ama na iaahon niya ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.

Sa comments section ng video sa GO Rizal ay nag-iwan din ng payo si Keanne sa mga manonood.

“Para naman po sa mga kapwa natin na nakararanas ng problema, pangungulila, at kalungkutan, patuloy lang po tayo parati sa laban ng buhay. Be positive always and let God be the center ng lahat ng ating ginagawa sa buhay,” sabi ng binata.

SAMANTALA, ALAMIN ANG MGA CELEBRITY NA NAKAPAGTAPOS SA KOLEHIYO NA MAY HONORS