
Comeback sa showbiz ng veteran actor na si Diether Ocampo ang kanyang pagganap bilang si Anton Ramos, ang "breastfeeding dad," sa Father's Day special ng Magpakailanman, kung saan nakapareha niya si Miss World 2013 Megan Young na gumananap naman bilang si Cel.
Aniya sa interview para sa Star Bites, "I'm very glad that you know, 'yung timing is very impeccable, and I guess may magandang dahilan din dahil Father's day episode pa 'yung napunta sa akin, very symbolic."
Makakabangon pa kaya si Anton sa pagkawala ng kanyang asawa? #DietherMeganOnMPK pic.twitter.com/77Pdy78Sxd
— MagpakailanmanGMA (@Magpakailanman7) June 17, 2017
Marami namang netizens ang natuwa sa pagbabalik ni Diether sa showbiz. Nag-trend din ang #DietherMeganOnMPK sa top five trends nationwide kagabi.
Trend Alert: 'Diether Ocampo'. More trends at https://t.co/dRwxiUtCOV #trndnl pic.twitter.com/P7uMZzNULe
— Trendinalia PI (@trendinaliaPI) June 17, 2017
Ito ang unang proyekto ng former matinee idol pagkatapos niyang mawala sa limelight. Umaasa rin si Diether na makatrabaho niya rin ang iba pang Kapuso stars pagkatapos nito.
Video from GMA News