GMA Logo Magpakailanman
What's on TV

'Magpakailanman' 22nd anniversary: Natatanging pagganap ng mga Kapuso stars

By Marah Ruiz
Published November 23, 2024 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Kasabay ng pagdiriwang ng 22nd anniversary ng 'Magpakailanman,' balikan ang ilan sa natatanging pagganap ng Kapuso stars sa episodes nito.

Ipinagdiriwang ng real-life drama anthology na Magpakailanman ang ika-22 anibersaryo nito ngayong 2024.

Sa loob ng 22 taon, walang patid ang programa sa paghahatid ng mga kuwentong maipagmamalaki, magpakailanman.

Bukod sa magagandang kuwento ng mga tunay na tao, malaking bahagi rin dito ang husay sa pag-arte ng mga artista sa bawat episode.

Isa si primetime action hero Ruru Madrid sa mga nagpamalas ng pambihirang husay sa drama sa Magpakailanman.

Sa katunayan, nakuha niya ang parangal para sa Best Single Performance by An Actor sa 32nd PMPC Star Awards for Television noong 2018 dahil sa pagganap niya bilang one-legged runner sa episode na "Takbo ng Buhay Ko."

Nakakuha din siya ng nominasyon para sa Best Single Performance by an Actor sa 34th PMPC Star Awards for Television noong 2021 para sa episode na sa "Adik Sa 'Yo," kung saan gumanap siya bilang honor student na nalulong sa droga.

Pero isa sa underrated performances niya ay ang episode na "Sa Ngalan ng Anak" kung saan nakasama niya ang beterano at award-winning actor na si Christopher de Leon.

Gumanap si Ruru dito bilang isang anak na nagiging bayolente at nawawala sa sarili dahil sa kanyang mental illness, habang si Christopher naman ang butihin niyang ama na gagawin ang lahat para protektahan siya.

Isang maselang national issue naman ang binigyang-buhay ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa episode na "Ang Pagmulat ng Binulag na Kasambahay."

Gumanap siya dito bilang Bonita Baran, isang kasambahay na nabulag dahil sa ilang taong pagmamalupit ng kanyang mga amo.

Umani si Barbie ng papuri mula sa mga manonood dahil sa sensitibo niyang pagganap sa episode.

Pinahanga naman ni Glaiza de Castro ang mga manonood sa kanyang pagganap sa episode na "Sino ang Baliw?"

Binigyang-buhay niya dito ang kuwento ng isang babae na ikunulong ng kanyang in-laws sa isang mental facility dahil hindi sila boto sa kanya.

Kinailangan niyang patunayan na nasa tama siyang pag-iisip para makalabas doon at mabawi ang kanyang mga anak.

Marami namang hindi malilimutang pagganap si Kapuso Drama King Dennis Trilo sa Magpakailanman.

Isa na riyan ang two-part special na "OFW Most Wanted" kung saan binigyang-buhay niya ang kuwento ng isang Pilipinong nagtatrabaho sa Saudi Arabia na kinailangang tumawid sa disyerto para lang matakasan ang mapang-abuso niyang employer.

Nakatanggap si siya ng nominasyon para sa Best Single Performance by an Actor sa 34th PMPC Star Awards for Television noong 2021 dahil sa kanyang pagganap sa episode.

Pero isa sa pinakatumatak na paglabas ni Dennis ay ang episode na "Patawad, Ama Ko" na kuwento naman ng isang lalaking may kakulangan sa isip at buong buhay niyang nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang ama bago niya ito napaslang.

Muling nakatanggap ang aktor ng nominasyon para sa Best Single Performance by An Actor sa 33rd PMPC Star Awards for Television noong 2019 dahil sa kanyang pagganap sa episode.

Isang natatanging pagganap naman ang ibinigay ni Miguel Tanfelix sa episode na "Footless and Fearless" kung saan gumanap siya bilang lalaking ipinanganak nang walang paa at binti.

Dahil sa galing ni Miguel at sa ganda ng pagtanggap ng mga manonood sa episode na ito, muli itong ipapalabas sa November 23.

Marami pang mga kuwento ng tunay na tao ang nakatakdang ihahatid ng Magpakailanman, at may inhanda pa itong tatlong bagong episodes para ipagdiwang ang 22nd anniversary nito.

Abangan ang 22nd anniversary specials ng Magpakailanman sa November 30, December 7, at December 14, 8:15 p.m. sa GMA.

Maaari din itong mapanood online sa Kapuso Stream.