
Masaya at nagpapasalamat ang mag-asawang sina Aurelio at Menchie Torres sa Magpakailanman. Tama at mahusay kasi ang ginawang pagkuwento ng kanilang love story sa Kapuso drama anthology.
LOOK: Magpakailanman episode nina Zoren Legaspi at Ashley Ortega, nag-trending
Wagi sa ratings ang Magpakailanman episode na pinagbidahan nina Zoren Legaspi at Ash Ortega.
Nakatanggap din ang programa ng papuri mula mismo sa real-life couple kung saan hango ang love story.
Sambit ni Aurelio, “Thanks po napakaganda, tama po yon naging decision namin sa Magpakailanman ibigay yon Love story namin. God bless po... Aurelio and Menchie Torres.”
Patuloy niyang komento sa post ng direktor, “J Jorron Lee Monroy thanks din, maganda rin yon collaboration namin nila Jessse at Chincha sa paggawa ng script. Even si Direct Niño Muhlach nag congrats po, set designer at stage actor nya po sa Stage Bros production nya. At sa Church po, layminister din po ako, i-promote po din ng parish mga ibang kasama namin after ng mass na manood ng MPKM..cge God bless po.”