What's on TV

Magpakailanman presents "Ang Batang Sinagip ng Kapre"

Published July 23, 2019 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Napakaswerte ng isang taong nakasumpong ng isang tunay na kaibigan pero paano kung ang “true friend” ng anak mo ay isang kapre?!

Napakaswerte ng isang taong nakasumpong ng isang tunay na kaibigan pero paano kung ang “true friend” ng anak mo ay isang kapre?!

Ngayong Sabado, panoorin natin ang nakakamangha at totoong kwento ni Gewel - isang batang iniligtas ng kapre sa pagkakasunog!

Dalawang taong gulang lamang si Gewel nang ipagkatiwala ng kanyang mga magulang kay Lola Ruby ang pag-aalaga sa kanya. Maluwag namang tinanggap ni Lola ang pag-aaruga kay Gewel.

Ang hindi alam nina Lola, may malaki palang tampo si Gewel sa kanyang mga magulang. Pakiramdam kasi ni Gewel ay hindi na s'ya mahal ng kanyang mommy at daddy kaya s'ya iniwan.

Sa pagdaan ng mga buwan, napansin ni Lola na may kakaiba kay Gewel. Lagi kasi itong may kinakausap sa kwarto. Kapag tinatanong naman ni Lola kung sino ang mga kausap n'ya, sinasabi ni Gewel na mga kaibigan n'ya ito.

Isang gabi, nagising na lang sina Lola at Gewel na nagliliyab na pala ang compound nila! Sunog na sunog ang bahay pero himalang nakaligtas si Gewel! Ikinuwento ni Gewel na iniligtas s'ya ng kaibigan n'yang kapre! Gusto rin s'yang isama ng kapre sa kaharian nito! Ano ang gagawin nina Lola ngayong gusto nang kunin si Gewel ng kapre?! Tuluyan na nga kayang sasama si Gewel sa kapre at iiwan ang kanyang buong pamilya?

Ngayong Sabado, July 27, tunghayan natin sa Magpakailanman ang kakaiba at totoong kwentong “ANG BATANG SINAGIP NG KAPRE”. Itinatampok sina Luz Valdez bilang Lola Ruby, Dion Ignacio bilang Noel, Rich Asuncion bilang Joy, Rein Adriano bilang Gewel at Sue Prado bilang Darla.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Mr. Zoren Legaspi mula sa pananaliksik at panulat ni Karen P. Lustica.