What's on TV

Magpakailanman presents “Ang Inang Yaya: The Luningning Predilla Bebit Story”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan notch bronze medals at 2025 SEA Games
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang kuwento ng buhay ni Luningning ngayong Sabado, at alamin ang kinahantungang buhay ng babaeng minsan ay naging isang Inang Yaya.


Handa na si Luningning maging ina nang bawian ng buhay ang kaniyang asawa. Pero hindi ito naging hadlang para siya ay hindi magpaka-nanay.

Para malimutan ang kalungkutan na buhat ng pagiging biyuda, minabuti ni Luningning na makipagsapalaran sa Jeddah—kung saan nakilala niya, at minahal, ang pamilya Radwan. Isang pamilya na ituturing niyang parang sa kaniya na rin, kahit na ang kaniyang pagiging malapit sa mga inaalagaang bata ay pagseselosan na ng kaniyang amo.

Ganoon pa man, maayos ang buhay ni Luningning kapiling ang mga Radwan—hanggang sa mapilitan siyang umuwi ng Pilipinas nang magkasakit ang kaniyang ina.

Bago siya umalis, pinilit siyang mangako ng alagang si Rawan Radwan na babalik siya sa Jeddah. Pero hindi niya matutupad ang pangakong ito. Dahil sa pagkamatay ng ina ni Luningning magsisimula ang kaniyang bagong buhay bilang isang asawa at ina.

Sa pagbukas ng bagong kabanata sa buhay ni Luningning, muli niyang mararanasan ang hirap ng buhay sa Pilipinas. Kaya, para mabuhay ang kaniyang pamilya, mamabutihin niyang lumuwas ulit para maging domestic helper.

Pero hindi na muling magtatagpo ang landas nila ng Pamilya Radwan. Hindi na niya muling makikita si Rawan hanggang sa ito na mismo ang maghanap sa kaniya matapos ng dalawang dekada.

Anu-ano ang hahadlang sa muling pagkikita ni Rawan at ng kaniyang Inang Yaya? At paano tatanggapin ng sariling anak ni Luningning ang katotohanang minsan nang naging nanay ang kaniyang ina... pero sa mga batang hindi naman nila kaanu-ano?

Tunghayan ang kuwento ng buhay ni Luningning Predilla-Bebit ngayong Sabado, at alamin ang kinahantungang buhay ng babaeng minsan ay naging isang Inang Yaya.

Sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph, at sa panulat ni Vienuel Ello, mula sa pananaliksik ni Georis Tuca; “Ang Inang Yaya: the Luningning Predilla-Bebit story” features Manilyn Reynes, kasama sila Gardo Versoza, Bing Davao, Krystal Reyes, Nova Villa, Mymy Davao, Sharmaine Arnaiz, Mona Louise Rey and Max Collins.

Magpakailanman airs this Saturday, September 20, pagkatapos ng Marian.