
Ngayong darating na Sabado tunghayan ang nakakaantig na kwento ni Norman Balbuena o mas kilala natin bilang Boobay.
Sundalo ang kanyang ama, kaya tago ang pagiging bading ni Norman. Masigasig syang mag-aral. Isang guro naman ang kanyang ina sa Zambales hanggang sa pumutok ang Mt. PInatubo at naapektuhan sila ng lahar.
Maswerte si Norman dahil nakapag-aral sya ng kolehiyo sa St Louis University sa Baguio at kumuha ng kurso sa MassCom. Dito ay naging member na sya ng theater group. Nadiscover nya ang kagalingan nya sa pag-arte at pagpapatawa. Dahil sa gusto nyang mag artista, nag-audition sya sa GMA 7, bumaba sya sa Maynila from Baguio pero di sya nanalo. Si Mang Mike Enriquez ang nanalo.. Pero dito sya nadiscover ni Direk Cesar Cosme at pinangalanan syang boobay.
Pero sa gitna ng kasikatan at tagumpay ni Boobay, nagkasakit sa kidney ang kanyang ina. Noong 2013 ay namatay ang kanyang ina.
Pagdating naman sa lovelife, sinuwerte naman si Boobay noong makilala nya si Kent na isang fan lang nya na Physical therapist by profession.
Dahil sa sunod-sunod na raket, na-stroke si Boobay noong Nov. 27, 2016, pero nakaligtas naman sya sa pagsubok na ito.
Ang Norman Balbuena story ay pinangungunahan nina Donita Nose bilang Boobay, Tonton Gutierrez as Nory, Mickey Feriols as Iya, Rodjun Cruz as Kenneth, Liezel Lopez as Diana, Pepita Curtis as herself, Kendra the dog as herself.
Ang makulay na buhay ni Boobay, the Norman Balbuena Story ay idinirihe ni Mark Sicat dela Cruz, sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Angel Lauño. Mapapanuod ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto.