What's on TV

Magpakailanman presents 'Ang Nanay sa Kalsada: The Emilyn Baclao Story'

Published October 11, 2017 11:44 AM PHT
Updated October 11, 2017 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi biro ang pagtataguyod ng isang pamilya lalo na kung hirap sa buhay. Pero paano kung sa kabila ng kahirapang ito, nakuha pa rin ng isang ina na may mga anak ang mag-ampon ng labing tatlong tao na hindi naman n’ya kadugo?

Hindi biro ang pagtataguyod ng isang pamilya lalo na kung hirap sa buhay. Pero paano kung sa kabila ng kahirapang ito, nakuha pa rin ng isang ina na may mga anak ang mag-ampon ng labing tatlong tao na hindi naman n’ya kadugo?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang madamdamin, pambihira at nakakatuwang totoong kwento ni Emilyn Baclao – ang isang ina na may apat na maliit na anak na nakuha pa ring mag-ampon at mag-alaga ng labing tatlong tao na hindi naman n’ya kaano-ano!

Dahil sa pagiging seloso ng unang asawa ni Emilyn, iniwanan n’ya ito. Nagtrabaho s’ya sa isang hotel para patuloy na makapagpadala ng pera sa kanyang mga anak. Hindi man maganda ang relasyon ni Emilyn sa kanyang asawa ay nauunawaan naman ng kanyang apat na anak ang naging desisyon n’ya.

Muling umibig si Emilyn sa ibang lalake. Natanggap naman ito ng kanyang mga anak sa unang asawa. Pumunta si Emilyn sa Bicol para doon ay bumuo ng pamilya. Nagkaron ulit s’ya ng apat na anak dito.

Subalit, lagi namang sinasaktan si Emilyn ng kanyang asawa. Tinitiis ni Emilyn ang lahat dahil gusto n’yang maging buo na ang kanyang pamilya pero dumating sa punto na pati ang mga bata ay napagbubuhatan na ng kamay ng kanyang mister. Dahil dito, lumayas sina Emilyn at napunta sa isang parke.

Sa park, itinaguyod ni Emilyn ang kanilang buhay maging ang pag-aaral ng kanyang apat na anak sa pamamagitan ng pagbabasura. Nakilala rin nina Emilyn sina Alex, Ernesto, James, Jay, Alex, Tatay Jojo, Tintin at iba pa. Hindi man n’ya kadugo ang mga ito ay naramdaman n’ya na may mga kanya-kanyang dinadala ang mga ito kaya napunta sa park. Pakiramdam n’ya ay kailangan ng mga ito ng ilaw na ang isang ina lamang na gaya n’ya ang makakatanglaw. Ano kaya ang mangyayari sa pagkru-krus ng landas nina Emilyn at ng labing tatlong kataong ito? Paano kaya mapupunan ni Emilyn ng pagmamahal ang mga ampon n’yang ito gayong s’ya ay may mga anak din? Higit sa lahat, malampasan kaya ng kakaiba nilang pamilya ang napipintong demolisyon sa kanilang munting tahanan?

Ngayong Sabado, October 14, tunghayan natin sa Magpakailanman ang isa na namang totoong kuwento na pinamagatan 'Ang Nanay sa Kalsada: The Emilyn Baclao Story.' Sa pangunguna ni Aiai Delas Alas sa kanyang natatanging pagganap bilang Nanay Emy. Kasama rin ang iba pang Kapuso stars na sina Gary Estrada bilang Al, Lou Veloso bilang Tatay Toto, Jon Romano as Ernesto, Rosemarie Sarita, Faith da Silva bilang Tintin, Zymic Jaranilla bilang Alex, James Teng bilang Ed, Tetay bilang Felex, John Kenneth bilang Alren, Jhiz Deocareza bilang Alen, Xyrus Cruz bilang Joseph, Karlo Duterte bilang Jericho at Skelly bilang Kylie.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon nina Maryo J. Delos Reyes, DGPI; at Rado Peru, mula sa panulat ni Vienuel Ello, at matinding pananaliksik ni Karen P. Lustica.