
Ngayong Sabado, tunghayan ang nakaka-antig na kuwento ng viral sensation na si Sinon Loresca a.k.a. Rogelia - ang "King ng Catwalk".
Bata pa lang si Sinon ay 'di na siya tanggap ng kanyang ama. Bugbog sarado nga daw siya sa ama pag nakikita siyang kumekembot o pag sumasagot sa kanya.
Puro si Catherine ang panganay na kapatid ang paborito ng pamilya.
Nung pagka-graduate niya nung high school para maka-alis siya ng bahay nila, namasukan siya na katulong sa Maynila.
Pero minaltrato siya kaya umalis siya.
Pagkatapos nito ay pumunta siya sa tiyuhin niya na kapatid ng nanay niya sa Payatas.
Dito ay namasura siya, namulot ng mga bakal, plastic ng coke, tanso. Namasukan din siya bilang crew sa isang fast food chain.
Hanggang sa umuwi ang kapatid ni Sinon na si Catherine na nasa London na para magkasundo- sundo na silang pamilya. Dito ay nagkaayos naman na ang kanilang pamilya.
Nang nagkasakit si Catherine pagbalik sa London aykinakailangan niya ng kidney donor. Si Sinon ang naging donor kaya nagpunta siya ng London. Naging successful naman ang operation.
Pagkalipas lang ng ilang buwan ay pumanaw na ang ama nila. Namalagi si Sinon sa London, nagtrabaho at nakapangasawa ng British na si Richard. May na-meet siyang OFW at na-realize ni Sinon na maraming malungkot na OFW kaya gumawa siya ng videos na nakakatawa at biglang nag-viral worldwide.
Dito ay nakita ng Eat Bulaga ang kanyang mga videos kaya pinapunta siya sa Pilipinas.
Tunghayan ang kuwento ni Sinon Loresca Jr. na kanyang pinangungunahan, kasama sina Joko Diaz as Tatay Sinon, Sharmaine Arnaiz as Anne, Chynna Ortaleza as Catherine, Mikoy Morales as Young Sinon, Klea Pineda as Young Catherine, Jemwell Ventinilla as Young Jade, Caprice Cayetano as Belen, Rob Sy as Ramel, Chrome Cosio as Ronie, Jonathan Wagner as Richard, Carlo Cannu as Jade
Ang Sinon "Rogelia" Loresca Jr. story na pinamagatang "Ang Rampa ng Buhay ko" ay idinirehe ni Mark Sicat Dela Cruz, sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Angel Lauño.
Ngayon Sabado na, December 23, pagkatapos ng Pepito Manaloto.