What's on TV

Magpakailanman presents "Apoy ng Pangarap: the Beverly Grimaldo story"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 7, 2020 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Uunahin ni Lovi Poe ang career kesa love life sa episode ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado.


Uunahin ni Lovi Poe ang career kesa love life sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado!

Pagkatapos magpakitang-gilas bilang si Shiela sa pinag-usapang soap na Ang Dalawang Mrs. Real, ibang Lovi Poe naman ang mapapanood ng mga televiewers ngayong Sabado, when she brings to life the story of Beverly Grimaldo— isang babae na patuloy na nagbubuwis-buhay bilang isang firefighter!

‘Pag nakikita ng mga tao si Beverly, unang napapansin ang kaniyang ganda. Kaya naman marami ang nagugulat kapag nalalaman nilang isa itong commander sa isang fire station. Paano nga bang ang isang babaeng tulad ni Beverly ay napasok sa mundong karaniwang ginagalawan ng mga lalake?

Samahan si Miss Mel Tiangco sa kaniyang pakikipanayam kay Beverly, para malaman kung ano ang nagtulak sa dalaga para pasukin ang delikadong profession ng fire-fighting.

Paano tinanggap ng kaniyang pamilya ang kaniyang naging desisyon? Sa isang male-dominated na larangan, ano ang mga kinailangan pagdaanan ni Beverly para makuha ang paggalang ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho?

“Apoy ng Pangarap: the Beverly Grimaldo story” also stars Derrick Monasterio, Jillian Ward, Kyle Ocampo, Elle Ramirez, Ozu Ong, Raul Russo, with Ms. Snooky Serna and Al Tantay in very special roles. The episode was directed by Argel Joseph, mula sa script ni Vienuel Laviña Ello, na based sa research ni Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, February 7, pagkatapos ng Pepito Manaloto