What's on TV

Magpakailanman presents "Bata, Bata, Kriminal o Biktima?"

Published February 15, 2019 12:25 PM PHT
Updated February 15, 2019 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado sa 'Magpakailanman,' sama-sama nating panoorin ang buhay ng isang batang lumaki bilang kriminal dahil sa kanyang Ama.

Ano ang maaaring mangyari kung ang isang bata ay masangkot sa isang krimen na hindi niya alam? May pananagutan ba siya dito, samantalang hindi niya alam na masama ang bagay na ito?

Bata, Bata: Kriminal o Biktima?
Bata, Bata: Kriminal o Biktima?

Anim na taong gulang pa lang si Marco noong gamitin siya bilang drug courier. Nagsimula sa isang fast food kung saan siya nilagyan ng mga droga sa kanyang katawan, hanggang sa tuluyan na niyang nagustuhan ang pagtutulak ng droga ng kanyang ama. Ito ang mundong kinalakihan niya. Mula sa mga panahong ito ay inakala niya na laro lang ang mga krimen na kanyang ginagawa. Hanggang sa matuklasan ito ng kanyang Nanay.

Isang malaking pagtatalo ang naganap sa pagitan ng mga magulang ni Marco. Sinasabi ng kanyang Ama na ginagawa lang nila ang lahat ng ito upang masuportahan ang kanilang pamilya, samantalang gusto naman ng kanyang Ina na itigil niya ang lahat nang ito ngunit wala namang alternatibong hanap-buhay na maibigay ito.

Noong makulong ang Ama ni Marco, nagdesisyon siyang mamuhay na ng marangal. Ngunit nang muling maghirap ang kanilang pamilya ay napilitan si Marco na bumalik sa illegal na trabaho na itinuro sa kanya ng Ama.

Malabanan kaya ni Marco ang tukso? O lalo ba siyang mababaon sa mga illegal na gawain dahil sa kanilang kahirapan? Paano makakalaya si Marco sa maling pamumuhay na iniwan sa kanyang Ama?

Ngayong Sabado, sama-sama nating panoorin ang buhay ng isang batang lumaki bilang kriminal dahil sa kanyang Ama. Kasama sina Dentrix Ponce as Teen Marco, Euwenn Aleta as Young Marco, Tonton Gutierrez as Ben, Lilet as Mylene, Bryce Eusebio as Teen Hector, Jacob Briz as Young Fredo, Julius Miguel as teen Fredo and Princess Aguilar as Teen Jane.

Mula sa mahusay ang Direksyon ni Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Jayson John Lim at sa pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.

February 16, 2019 pagkatapos ng Daddy's Girl.