What's on TV

Magpakailanman presents "Beauty in your Eyes: The Jinky "Madam Kilay" Anderson story"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 1, 2017 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Ang kuwento ni Madam Kilay ay istorya ng isang babae, isang ina, isang OFW at isang taong nabigo ngunit hindi nawalan ng pag-asa na ang kanyang buhay ay magtatapos sa isang happily ever after.

 

 

Ang kuwento ni Madam Kilay o Jinky Cubillan Anderson ay istorya ng isang babae, isang ina, isang OFW at isang taong nabigo ngunit hindi nawalan ng pag-asa na ang kanyang buhay ay magtatapos sa isang happily ever after.

Ipinanganak at lumaki sa Navotas. Dito niya nakilala ang kanyang first love at napangasawa na si Renad. Ka-schoolmate niya si Renad.  Sa murang edad na 15-years old ay nabuntis siya ni Renad sa kanilang unang anak na si David na eventually ay mamamatay sa sakit na meningitis.

Malaki rin ang pagtutol ng kaniyang magulang sa kanilang pagsasama dahil napakabata pa niya pero walang nagawa ang mga ito ng ipaliwanag niyang mahal niya talaga ang binata.

Ang kanyang pinangarap na masayang pagsasama at pamilya ay gumuho dahil matapos nilang magsama ay lumabas ang pagiging batugan ni Renad.

Naging manginginom ito at nalulong sa drugs. Ilang ulit siyang sinabihan ng mga magulang na hiwalayan ito subalit dahil sa pagmamahal ay nagkaroon pa sila ng ikalawang anak, si Chibay.

Naging battered wife siya kay Renad. At dahil sa pagiging batugan ng asawa ay napilitan siyang magtrabaho at sumama muli sa kanyang banda para buhayin ang kaniyang pamilya.

Nang makakuha sila ng kanyang banda ng opportunity para makapunta sa Japan ay itinuloy nila ito, subalit imbes na makaipon ay napunta lang lahat ng kinita niya sa pagkakasakit ng kanyang panganay na si David.

Nang mamatay ang anak niyang si David sa sakit na meningitis ay tuluyan niyang iniwan si Renad. Inilayo rin niya ang anak sa asawa ngunit sinuyo siya nito at muling nabuntis sa ikatlong anak nila na si Gimo. Akala niya'y magbabago ang asawa subalit patuloy itong nalulong sa alak at drugs.

Tuluyang napuno na siya kay Renad kaya't nag-decide na siyang tuluyang wakasan ang kanilang pagsasama.

Muling nag abroad ang banda ni Jinky, this time patungong Korea. Kumita siya ng maayos dito subalit after ng kanilang contract ay hindi na sila narenew. Nagdecide siyang mag TNT or takbo sa Korea. Namasukan siya sa isang pabrika at eventually ay naisama siya ng kanyang ka-banda na si Janice para mamasukan sa isang bar bilang bartender.

Ang pagpasok niya bilang bartender ang babago sa kanyang buhay. Dito niya makikilala ang sundalong Amerikano na si Paul Anderson.

Nabighani ito sa kanyang "RARE na kagandahan" at galing niya sa pag awit.

Magiging isa silang couple at eventually ay magiging mag-asawa. Tanggap ni Paul ang lahat ng kanyang nakaraan at ang kanyang buong pamilya.

Recently ay aksidenteng magiging viral at magti-trend ang isang video na ginawa niya habang kausap sa FBlive ang kanyang kaibigang si Janice.

Tinuturuan niya itong magkilay online. Iu-upload ito ng kaibigan at magugustuhan ng netizens ang antics niya online kung saan ay tawa ng tawa ang kanyang mister na si Paul sa itsura ng kanyang makapal na kilay.

Dahil sa mabilis na pagsikat ng kanyang mga sumunod na videos sa social media ay umabot na sa mahigit 6 million ang kanyang followers online.

Tunghayan natin ngayong Sabado sa Magpakailanman ang "Beauty in your Eyes: The Jinky "Madam Kilay" Anderson story"  na gagampanan mismo ni Jinky Anderson aka Madam Kilay.

Itinatampok din sina Ces Quesada, Rich Asuncion, Barbara Miguel, Miggy Jimenez, Brent Valdez, at Kyle Vergara. 

Sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz, mula sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Rodney Junio. Mapapanood ngayong Sabado, June 3, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman,  pagkatapos ng Pepito Manaloto.