
Tunghayan ang pagiging matatag ng isang pamilya sa likod ng mga pagsubok na kanilang hinaharap na pangungunahan nina Gabby Concepcion at Snooky Serna.
Isa sa mga bumubuo bilang babae ay ang pagkakaroon ng sariling pamilya, anak at ang pagiging isang mabuting ina. Ngunit paano kung ang iyong pinakamamahal na anak ay mawalay sa iyo ng sapilitan at 'di mo alam kung sino ang may kagagawan?!
Mayo 27, 1997, habang naglalaro sina Earl (dalawang taong gulang lang noon) at ate nitong si Patty (7 y/o) naisipan nilang dalhan ng mga napitas na bulaklak mula sa kanilang bakuran ang inang si Laurie na noon ay nasa loob naman ng kanyang kwarto.
Hindi inaakala ni Laurie na iyon na rin pala ang huling pagkakataong makikita nya ang anak nitong si Earl. Labing siyam na taon na ang lumipas ngunit 'di pa rin nahahanap ng pamilya Dollente si Earl.
Kaya naman naisipan ni Laurie na i-post sa social media ang litrato ng anak noong dalawang taong gulang pa lang ito at nagbabakasakaling makita ito ng binatang si Earl at maging tulay upang mabuo at magkasama-sama muli sila bilang pamilya.
Tunghayan ang pagiging matatag ng isang pamilya sa likod ng mga pagsubok na kanilang hinaharap na pangungunahan nina Gabby Concepcion at Snooky Serna. Makakasama rin nila sa episode sina Kate Valdez, Kyle Ocampo, Leanne Bautista, Prince Villanueva, Jude De Jesus, Carl Cervantes at Euwenn Mikael Aleta.
Ang “Finding Earl: The Dollente Family Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Bb. Joyce Bernal, mula sa panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan at pananaliksik nina Angelito Launo at Cynthia delos Santos.
Mapapanood ngayong Sabado, November 12, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.