What's on TV

'Magpakailanman' presents 'Golok, my son's imaginary friend'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 5, 2017 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Paano kung ang iyong anak ay ginugulo ng mga demonyo -- na hindi mo naman pinaniniwalaan? Paano kung ito pa ang maging mitsa ng pagkwestyon at pagdududa mo sa Diyos? Sino na ang iyong tatakbuhan para sa kaligtasan ng iyong anak?

Simula pagkabata hanggang maging mag-asawa, patuloy na nagsisilbi sina Anna at Arthur sa simbahan at tapat sa kanilang nakagisnang relihiyon. Pero kung kailan sila nagkaroon ng sariling pamilya, saka naman sila nagkaroon ng duda kung totoo nga ba’ng may Diyos. Ito ay matapos ilang beses nalagay sa panganib ang buhay ng tatlong-taong gulang nilang anak na si Juanlo.

Nariyang inatake ito ng matinding kombulsyon na halos akalain ni Anna ay magiging sanhi na ng kamatayan ng anak. Sinundan pa ito ng mga markang natagpuan nila sa katawan ni Juanlo na senyales ng pagkakaroon nito ng malubhang sakit. Nagdala ito ng sama ng loob at matinding depresyon kay Anna. At sa kabila ng pagsisilbi sa Diyos, nagawa niyang isisi dito ang mga nangyayari sa anak. Huli na nang malaman nila na ang mga nararanasan ni Juanlo ay sanhi pala ng paggambala dito ng demonyo. 

Nagpakilala ito kay Juanlo bilang si Golok, na itinuring naman ni Juanlo na isang kaibigan at kalaro. Paano ngayon haharapin ni Anna ang sitwasyon kung hindi naman niya pinaniniwalaan ang tungkol sa masasamang espiritu at mga demonyo? Kanino pa siya tatakbo kung tuluyan na siyang nagduda sa Diyos? Kailan niya magagawang buksan ang pag-iisip, magsisi at bumalik sa tinalikurang niyang pananampalataya?

Tunghayan ang isang makabuluhan at espesyal na totoong kuwentong handog ng Magpakailanaman sa pangunguna nina Ms. Angelika dela Cruz bilang Anna at Mr. Gabby Eigenmann bilang Arthur.

 

 

Kasama din sina Yuan Francisco, Rolli Inocencio, Kiel Rodriguez, Ces Aldaba, Rosemarie Sarita, Antonette Garcia, Citadel Mariano at Jude De Jesus.

 

Ang “Golok: My Son’s Imaginary Friend – The Arthur and Anna Policarpio Family Story” ay sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada at mula sa panulat at pananaliksik ni Loi Nova.

Mapapanood ngayong Sabado, May 6, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman,  pagkatapos ng Pepito Manaloto.