What's on TV

Magpakailanman presents “Hari ng Kalsada: Traffic Enforcer, Turon Best-Seller!”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 12:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Marami ang natuwa nang kumalat ang balita tungkol kay Fernando Gonzales, isang MMDA officer na mabait, at may kakaibang pamamaraan para makadagdag sa kinikita nang walang taong naaagrabyado.


Christmas is a time to be thankful; pasasalamat para sa mga bagay na nagbigay ayos sa ating mga buhay, sa mga oras na naigugol natin kasama ang ating pamilya--at pasasalamat sa mga taong nagiging inspirasyon natin para magpakabuti.

Tulad ni Fernando Gonzales, hari ng kalsada, ang traffic enforcer na turon’s best seller!

Hindi na bago ang mga reklamo laban sa mga MMDA officers na mapang-abuso at nangongotong, o ang mga balita tungkol sa mga kawawang MMDA officers na nababastos at inaaway. Kaya naman marami ang natuwa nang kumalat ang balita tungkol kay Fernando Gonzales, isang MMDA officer na mabait, at may kakaibang pamamaraan para makadagdag sa kinikita nang walang taong naaagrabyado.

At ngayong Sabado, sasamahan tayo ni Ms. Mel Tiangco para kilalanin si Fernando Gonzales, at alamin kung paanong ang isang traffic constable ay naging isang viral news sensation!

Sa tulong ng natatanging pagganap ni Mr. Ricky Davao, sundan ang kuwento ng buhay ni Fernando Gonzales, mula sa kaniyang pagpili ng kaniyang career, sa kakaibang paraan kung paano sila nagkakilala ng kaniyang naging misis, at kung paano nila naisip maging turon at tupig vendor.

Ano na ang nangyari kay Fernando pagkatapos niyang maging viral?

Alamin ngayong Sabado, ika-20 ng Disyembre, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

“Hari ng Kalsada: Traffic Enforcer, Turon Best-Seller” stars Lani Mercado, Alicia Alonzo, Robert Ortega, Sheila Marie Rodriguez, Rosemarie Sarita, Menggie Cobarrubias, Justin de Leon, Lou Sison, and Mr. Ricky Davao. The episode is helmed by Argel Joseph, with a script written and researched by Jessie Villabrille.