
Ngayon Sabado tunghayan ang kuwento nang grupong Ex Batallion. Umani nang napakaraming views sa social media ang kanilang kantang “Hayaan mo Sila” na nagpabago sa kanilang buhay mula ordinaryong rap singers hanggang sa maging tanyag sa buong Pilipinas.
Nagsimula lang sila sa pagsali-sa mga rap battle contest sa Muntinlupa. Si Archie (Flow G) bata pa lang ay hilig nang mag-rap pero di suportado ng mga magulang kaya umalis sa kanila at kinupkop ni Mark (Bosx1ne), ang nagsilbing leader ng grupo. Si James (Brando) ang naging kuya ng grupo na nagtulay sa kanila para mabuo ang Ex Batallion. Si Daryl na mula sa kanyang grupo na OC Dawgs , inakala nila na kaaway dahil sa paggamit nya ng kanta nang walang pahintulot sa grupo pero noong makausap ni Mark si Archie ay nagkaayos sila at sumali na rin sa Ex Batallion si Archie dahil sa iisa rin ang kanilang style sa rapping. si Jon (King Badger) ang huling sumali sa Ex Batallion na kilala na sa social media, ang isa sa nagbigay ng verse sa kanilang kantang “Hayaan mo Sila”.
Marami mang problema sa kanilang pamilya at sa kanilang relationships noong una ngunit naayos naman nila sa huli dahil napatunayan nila, dahil sa mga hit songs at music videos nila na laging nagtretrend sa social media ay nag iba na ang kanilang estado sa buhay ngayon. Sa kasalukuyan, kaliwa’t-kanan ang kanilang mga shows sa iba't ibang parte ng bansa. Ang hit song nilang “Hayaan mo sila“ay may 48 million views na.
Ang "Hayaan mo sila : Ex Batallion Story" ay pinangungunahan nina Irma Adlawan bilang Che, Rez Cortez, Gilleth Sandico, Vera, Mark as himself, James as Himself, Archie as himself, Jon as Himself , Daryl as himself at Rhen as himself.
Ang "Hayaan mo sila : Ex Batallion Story" ay idinerehe Rechie del Carmen, sa malikhaing panulat ni Loi Argel Nova at pananaliksik ni Gelox Lauño. Mapapanuod na ngayon darating na Sabado, April 21, 2018 after Pepito Manaloto.