What's on TV

Magpakailanman presents "Hula ng Kamatayan"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Jo Koy makes his handprints and footprints in cement
3 barangay sa Iligan City na nasalanta ng Bagyong Basyang, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation
Iloilo City's P300M additional loan questioned

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ngayong Sabado si Chynna Ortaleza sa isang natatanging pagganap bilang Marivic, ang babaeng may kakayahan manghula ng kamatayan. 


Lahat sa atin ay may angkin kakayahan…Ngunit paano kung ang taglay mo ay ang manghula ng kamatayan?! Paniniwalaan mo ba ito o pagdududahan?

Bata pa lang si Marivic ay may nakakakita na ito ng mga “kaibigan” na 'di naman nakikita ng iba. Malimit din syang magbanggit ng mga taong nakikita nya sa kanyang pangitain na malapit nang pumanaw.

Hindi ito pinapansin ng kanyang ina lalo na’t bata pa ito noon at baka kung anu-anong imahinasyon lang ang naiisip. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay nagkakatotoo ang mga nasabing pangitain.

Dumating ang panahon na hindi na lamang sa ibang tao nya ito nakikita ngunit pati na rin mismo sa kanyang ama’t ina.

Masusubukan nya kayang palitan ang kapalaran lalo na’t nahulaan nya ang kanilang kamatayan?

Abangan ngayong Sabado si Chynna Ortaleza sa isang natatanging pagganap bilang Marivic. Makakasama din sina  Chanda Romero, Dante Rivero, Ken Chan, Shyr Valdez, Paolo Paraiso, Tess Bomb, Lotlot Bustamante, Rosemarie Sarita, Rhen Escano at James Teng.

“Hula ng Kamatayan” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Vinuel Lavina Ello at pananaliksik ni Georis Tuca.

Alamin kung paano buong loob at tapang nating dapat harapin ang tadhanang nakalaan para sa atin, ngayong Sabado, August 20, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.