What's on TV

Magpakailanman presents "Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Biyernes Santo, balikan natin ang kuwento ng magkapatid na Cedric Macdon at Joven Santos sa 'Magpakailanman.'


Sino ang dapat na mas matimbang: ang tunay mong ina, o ang inang nagmahal at nag-alaga sa ‘yo?

Parehong ampon ang magkapatid na sina Cedric Macdon at Joven Santos; mga batang ipinamigay ng sariling mga ina dahil sa magkaibang dahilan. Pero nakahanap pa rin sila ng tunay na pagmamahal sa piling ni Leonida ‘Manay’ Macdon.

Wala na ang mga anak ni Manay sa buhay niya, malalaki na at may kani-kanila nang mga pamilya. Kaya naman nang ipakiusap sa kaniya na ampunin si Cedric, malugod niya itong tinanggap. Para ilayo sa kapahamakan...At para mayroon ulit siyang mamahalin at aalagaan.

Hindi nagtagal ay dumating rin sa buhay nila si Joven, apo ni Manay sa anak na si Nora. Kung si Cedric ay tinanggap ni Manay dahil gusto itong patayin ng asawa ng tunay na ina, si Joven naman ay tinanggap niya dahil wala nang maipakain dito ang totoong nanay ng bata.

Kay Manay lumaki ang dalawang bata: sa kaniyang pag-aaruga at pangaral. Mamahalin nina Cedric at Joven ang babaeng inaakalang ina— at gagawin nila ang lahat para mapagaan ang buhay nito... Hanggang sa malaman nila ang totoo.

Sa pagbalik ng kani-kanilang mga ina, maliligaw ang mga landas ng magkapatid na ampon, pero hindi mawawalan ng tiwala at pagmamahal si Manay sa kanila.

Magagawa pa bang mabuo ang isang pamilyang nawasak dahil ng katotohanang hindi matanggap?

Alamin ngayong Biyernes Santo, April 3, sa Magpakailanman—7:30 ng gabi “Kalakal Boys: the Cedric Macdon and Joven Santos story” stars Ruru Madrid, Miguel Tan-Felix, and Ms. Celia Rodriguez. Kasama rin sa episode sina Patricia Ysmael, at Ina Feleo; sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes, mula sa script ni Jason John Lim, at sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.