What's on TV

Magpakailanman presents "KISLAP NG PAROL"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 5:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Higit sa magagandang Christmas tree, kumukutitap na mga ilaw at parol, at mga regalo, iisa lang ang talagang nakapagpapasaya sa mga Pilipino tuwing ng Kapaskuhan—ang salubungin ito kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Higit sa magagandang Christmas lights, Christmas tree, mga parol, at mga regalo, iisa lang ang talagang nakapagpapasaya sa mga Pilipino tuwing Kapaskuhan—ang salubungin ito kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay... ang kanilang pamilya. At ito lang rin ang gusto ni Marissa, ang makasama ang kaniyang pamilya nang buo at walang kulang.

Ngunit matapos siyang iwan ng kaniyang asawa para sa ibang babae, alam ni Marissa na magiging mahirap tuparin ang kaniyang gusto. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.

Gagawin ni Marissa ang lahat ng kaniyang makakaya para mabalik ang asawa niya, para mabuong muli ang kanyang pamilya. At habang pinipilit niyang matupad ito, hindi niya napapansin na siya naman ang nagtutulak sa kaniyang mga anak na lumayo sa kaniya.

Sampung taon matapos siyang iwan ng kaniyang asawa, makagagawa na ng paraan si Marissa na magpakitang muli ang lalaking minamahal sa kaniya. Pero sa pagbalik ng kaniyang asawa, may pamilya pa bang maihaharap si Marissa sa kaniya?

Mula sa manunulat ng ‘Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros’ na si Michiko Yamamoto, handog ng ‘Magpakailanman’ ang isang madamdaming kuwento tungkol sa pamilya, at kung paano masasabi ng sinuman na buo ito.

“Kislap ng Pasko,” stars Ms. Eula Valdez, Diva Montelaba, Ruru Madrid, and Ms. Nova Villa; under the direction of Michael de Mesa. Magpakailanman airs Saturday nights after Vampire Ang Daddy Ko.