What's on TV

Magpakailanman presents "Kulam ng Paghihiganti"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Naniniwala ka ba sa kulam? Magagawa mo bang mangkulam para maghiganti?




Naniniwala ka ba sa kulam? Magagawa mo bang mangkulam para maghiganti?

Lumaki si Glenda Marasigan na may takot sa Diyos; isang simpleng babae na may malalim na pagpapahalaga sa kaniyang pananampalataya. Kaya nang magkaroon ang ama niya ng isang misteryosong sakit, kahit ilang beses na sabihin sa kaniya na kinulam ito, ayaw niyang maniwala. Kahit nang mamatay na ang kanyang ama, hindi pa rin niya magawang maniwala sa kulam.

Hanggang sa makita niya ang mga gamit ng mangkukulam sa bahay ng tiyahin niyang may galit sa ama niya. Ang tiyahin na pinaniniwalaan ng mga tao na isang mangkukulam.

Ito ang nagtulak kay Glenda na alamin ang lahat ng puwedeng malaman tungkol sa pangungulam--para maipaghiganti ang kaniyang ama!

Sa pagpasok ni Glenda sa bokasyon ng pangungulam, unti-unti namang nanghihina ang kaniyang asawang si Deo. Bagay na hindi mapapansin ni Glenda dahil sa kaniyang pagkahumaling sa pangungulam!

Nang lumubha na ang sakit ng asawa ni Glenda, saka lang nito nakita na wala na siyang pinagkaiba sa kaniyang tiyahin na pinaghigantihan. Saka niya lang makikita na siya rin ang nagiging sanhi ng paghihirap ng asawa niya.

Pero magkakaroon pa ba si Glenda ng pagkakataong ayusin ang buhay niya? Magagawa pa ba niyang bumawi para mailigtas ang kaniyang asawa?

Itinatampok si Kris Bernal sa kaniyang naiibang pagganap bilang isang babaeng nahumaling sa pangkukulam, sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph, at sa panulat ni Vienuel Ello, base sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Magpakailanman airs this Saturday, July 12, pagkatapos ng MARIAN.