What's on TV

Magpakailanman presents "Kung Hindi Ka Magiging Akin"

Published August 23, 2019 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Ang kontrobersyal na pagtatanghal na ito ng 'Magpakailanman' ay kinatampukan nina Boobay bilang Genesis at Dentrix Ponce bilang Edison.

Sa edad na katorse anyos ay naabuso na ang murang katawan ni EDISON sa pagtatrabaho bilang barker ng pampasaherong jeep at kargador sa palengke. Ito ang pinangtutustos niya sa pag-aaral. Buhat sa mahirap na pamilya si Edison. Dating drug adik ang kanyang Ina at lasinggero naman at tamad ang naging pangalawa nitong asawa. Pero mahal na mahal ni Edison ang kanyang dalawang nakababatang kapatid, kahit pa nga kapatid lamang niya ito sa labas. Mahal na mahal din naman si Edison ng kanyang LOLA MINDA dahil napakabait ng kanyang apo.

Ang kabaitang ito ni Edison ang nagiging sanhi kaya laging nabubully si Edison sa paaralan. Minsang nabully siya ay may nagtanggol sa kanya na isang security guard - si GENESIS. Dahil dito nakuha agad ni Genesis ang tiwala ni Edison. Nagkagaangan ng loob ang dalawa. Isang ama naman ang tingin ni Edison kay Genesis.

Hanggang matokhang at nakulong ang ina ni Edison. Dahil dito, nahiwalay si Edison sa pamilya, inilayo ng kanyang amain sa probinsya ang kanyang mga kapatid. Kinupkop siya ng kanyang lola, pero nahihiya si Edison na maging pabigat dahil bukod sa maliit na bahay ay may edad na at sakitin si Lola Minda.

Dito na nagvolunteer si GENESIS na ampunin si Edison. Ipinagpaalam niya ito sa kanyang lola, sabay pangakong aalagaan niya at paaaralin si Edison. Pamilya na ang tingin ni Lola Minda kay Genesis kaya pumayag ito. Para sa kanya, hulog ng langit si Genesis sa apo.

Sa simula ng pagtira ni Edison kay Genesis ay langit ang buhay niya. Lahat ng pangangailangan niya ay binibigay ni Genesis. Hanggang isang araw, naabutan ni Edison na may mga kainumang bakla si Genesis. Nagtaka si Edison. Nakahalubo siya para bantayan si Genesis sa maaring pagsasamantala dito ng mga bading. Pero ng gabing lasing si Genesis, siya pala ang momolestyahin nito. Gimbal si Edison ng malamang isa palang klosetang bakla si Genesis.

Dahil sa takot at galit, lumayas si Edison. Bumalik siya sa kanyang lola. Pero sakto namang inatake ng high blood at nabagok ang ulo ni Lola Minda. Problemado sa pampa-ospital si Edison. Hanggang mag-alok ng tulong si Genesis. Sasagutin niya ang pampa-ospital, pero babalik sa kanya si Edison.

Kapit sa patalim, tumira nga ulit si Edison sa piling ni Genesis. Pero naging impyerno na ang buhay niya dito. Halos gabi gabi na siyang ginagapang nito. Hindi naman makapagsumbong si Edison dahil nagbanta si Genesis na papatayin nito ang kanyang Lola.

Dahil dito unti-unti ng nagbago ang ugali ni Edison. Naging pasaway siya. Hindi na pumapasok ng school. At napabarkada na sa mga bully. Nagkaroon na rin ng nobya si Edison. Malalaman ito ni Genesis. Dito na magsisimulang magselos si Genesis at mawala sa sarili.

Ikukulong ni Genesis si Edison para lamang hindi makalabas. Mahigpit na pagbabawalan niya ito na huwag magnobya. Hanggang sumuko na si Edison at sabihin niyang susundin na niya lahat ng gusto ni Genesis. Tuwa naman si Genesis.

Pero ng gabing himbing na si Genesis sa pagtulog ay may pinaplano pala si Edison. Tinakasan niya si Genesis. Saka lakas loob na nagsumbong na siya kay Lola Minda.

Galit na galit na sasamahan ni Lola Minda na magsampa ng kaso sa presinto ang apo. Pero makakapagtago na agad si Genesis.

Pero hindi pa rin tatantanan ni Genesis sa mga texts si Edison. Hanggang lihim na nagpakita si Genesis kay Edison. Nakikiusap na bumalik sa kanya at i-urong na ang kaso. Pero desidido na talaga si Edison. Abot hanggang langit ang pagkasuklam niya kay Genesis. Dito na parang nasiraan ng bait si Genesis.

Pilit na ibabalik ni Edison ang normal niyang buhay. Muli siyang mag-aaral ng mabuti. Hanggang isang araw, walang kamalay-malay na nag-aaral siya ng leksyon ng pasukin siya ni Genesis sa loob ng kanyang classroom at walang awang paputukan siya sa ulo ng dalawang magkasunod na beses. Wala ng buhay si Edison ng dumating sa ospital.

Agad namang nakatakas at nagtago si Genesis. Pero dahil lumapit sa media si Lola Minda ay agad din siyang naaresto, nadakip at nakulong.

Ang kontrobersyal na pagtatanghal na ito ng Magpakailanman na pinamagatang "Kung Hindi Ka Magiging Akin" ay tinatampukan nina Boobay as Genesis, Dentrix Ponce as Edison, Odette Khan as Lola Minda, Jimwell Ventinilla as Dreb, Chanel Latorre as Rina at Jun Palattao as Gani. Sa masusing direksyon nina Don Michael Perez at Jorron Lee Monroy. Sa pananaliksik ni Karen Lustica at sa panulat ni Vienuel Ello.