
Sa ating mga Pilipino, malaking kasalanan sa mata ng tao ang abortion, lalong lalo na sa paningin ng Diyos!
Paano kung ang dating kasangkapan para magbigay buhay sa mga sanggol ay maging daan din para kumitil ng buhay!? Paano kung sariling mo palang Ina ay abortionista?! Masisikmura mo ba ang hanap buhay ng iyong Ina??
Ngayong sabado, sama-sama nating panoorin ang totoong kwento ni Linda. Isang kakaibang kwento ng Inang Abortionista.
Under graduate ng mid wifery si Linda. Nakakuha siya ng Certificate sa kanilang munisipyo para legal na makapag-paanak. Naging kumadrona nga si Linda at ito ang kanilang naging kabuhayan habang ang kanyang asawang si Joel ay walang trabaho.
Napilitan si Linda na mag laglag ng bata nang minsang may lumapit sa kanya na dalaga. Dahil sa hirap ng buhay nila noon, pumayag si Linda sa gusto ng dalaga. Nalaman ni Joel ang ginawa ni Linda at pinagmulan ito ng kanilang away.
Sumumpa si Linda na hindi na muling mag lalaglag ng bata. Isang araw habang wala sa bahay si Linda ay may dumating na magkasintahan sa kanilang bahay. Gustong magpalaglag ng dalaga! Si Jackie lang ang inabutan nila, dahil wala si Linda, Pinaalis ni Jackie at pinapunta sa ospital ang magkasintahan pero D.O.A nang makarating ito sa ospital!
Kinasuhan sila Linda at Jackie dahil sa pagkamatay ng dalaga.
Paano mo ipagtatangol ang iyong anak gayung alam mo namang wala itong kasalanan sa pagkamatay ng dalaga?! Ito na ba ang karma dahil sa mga buhay na kinuha mo noon?!! Kaya mo bang isakripisyo ang sarili mong kalayaan para sa kalayaan ng iyong anak?
Ngayong Sabado, May 13, 2017, tunghayan natin sa Magpakailanman ang "LAGLAG BATA: ANG INA KONG ABORTIONISTA"
Itinatampok sina Lotlot De Leon as Linda, Neil Ryan Sese as Joel, Janine Gutierrez as Adult Jackie, Aaron Yanga as Adult Jun-Jun, Annalyn Barro as Kristine, Alyssa Del Real as Tin, Joemarie Neilsen as Kristine's BF, Trisha Cabias as Adult Judith at Dayara Shane as 5 Years old Jackie.
Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Gina Alajar, mula sa panulat ni Glaiza Ramirez at pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.