What's on TV

Magpakailanman presents "Lotto Winner Naging Loser"

Published July 1, 2019 4:25 PM PHT
Updated July 1, 2019 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Sino ang hindi nangarap na manalo sa lotto? Halos lahat nang tumaya ay nagbakasakaling magigising isang araw na isa nang milyonaryo. Pero paano kung imbes na mapaginhawa ay nasira pa nito lalo ang buhay mo?

Sino ang hindi nangarap na manalo sa lotto? Halos lahat nang tumaya ay nagbakasakaling magigising isang araw na isa nang milyonaryo. Pero paano kung imbes na mapaginhawa ay nasira pa nito lalo ang buhay mo?

Matagal nang nangangarap si Erwin na mabigyan ng magandang buhay ang asawang si Vergie at mga anak pero kahit anong sipag, isang kahig isang tuka pa rin ang pamumuhay nila. Laging tumutulong si Nanay Mimang sa kanila pero kahit walang sinasabi, pakiramdam ni Erwin mababa ang tingin nito sa kanya.

Isang araw, laking tuwa ng mag-asawang Erwin at Vergie nang malamang nanalo sila ng lotto jackpot. Nagdesisyon sila na magtiwala sa mga kamag-anak na sina Manuel at Angel at magtago kina Nanay Mimang. Sina Manuel ang kumuha sa napanalunan at humawak dito para palaguin at ipambili ng kung anu-anong negosyo. Sinubukan silang kausapin ni Nanay Mimang para mag-ingat kina Manuel pero hindi sila naniwala dito. Huli na nang malaman nina Erwin na nilustay na pala ng dalawa ang perang napanalunan nila. Sa huli, ipinagtabuyan pa sila ng mga ito sa sarili nilang bahay.

Dahil walang kalaban-laban, nagdesisyon na lang sina Erwin na magsimula ulit at lumipat ng lugar. Bumalik sa pagsasaka si Erwin para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Napagtanto nila na malalaman mo kung sino ang tunay na nagmamahal sa 'yo kung walang-wala ka gaya ni Nanay Mimang na nandyan pa rin para tumulong sa kanila.

Kahit hirap sa buhay, masaya na rin si Erwin at Vergie lalo na ng mabalitan nila ang mga karmang dumating sa buhay nina Manuel at Angel. Naubos rin ang perang ninakaw ng mga ito. Namatay sa atake sa puso si Angel samantalang napatay naman si Manuel.

Tunghayan sa Hulyo 6 ang kuwento ng “LOTTO WINNER NAGING LOSER”

Sa pangunguna ni Tekla na gaganap bilang Erwin. Kasama sina Vaness Del Moral bilang Vergie, Ian De Leon bilang ang kontrabidang si Manuel. Tampok din sina Dexter Doria bilang Nanay Mimang at Tonio Quiazon bilang Angel.

Sa direksyon ni LA Madridejos, sa panulat ni Michiko Yamamoto at sa masinsing pananaliksik ni Karen Lustica.