
Ngayon darating na Sabado tunghayan ang nakakakilig na love story ng vlogger na si Wil Dasovich at ng Filipina cosplayer na si Alodia Gosiengfiao. Magkaiba man ang kanilang mundo pero pinagtagpo pa rin sila nang kapalaran..
Si Wil na laking Amerika na puno ng pangarap maging isang vlogger ay nagpunta sa Pilipinas para simulan ang kanyang pangarap. Pinag aralan niya magsalita ng Tagalog, hanggang naging model at artista. Dito na nagsimulang gumawa ng vlog si Wil hanggang sa unti unti nang dumami ang kanyang followers. Si Alodia naman ay isang famous Cosplayer na noong umpisa ay mahiyain pero kahit sa murang edad na 15 years old ay sumali na siya sa mga cosplay competitions at dito na siya nakilalang sikat na cosplayer sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Nagtagpo ang landas nina Alodia at Wil sa isang awarding ceremony sa Malaysia, at dito na nagsimula ang kanilang conversations at hanggang sa naging love-couple na sila. Di man nila inaamin sa kanilang followers ang kanilang relasyon noong una pero makikita sa kanila kung paano nila pinapakita ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.
Hanggang sa na-diagnose si Wil ng colon cancer stage 3, kaya’t dito nasubok ang tatag ng kanilang pagmamahalan. Kahit nga malayo si Wil kay Alodia para magpagamot sa Amerika ay lagi namang pumupunta si Alodia sa Amerika para alagaan siya.
Ang “Love Conquers All” love Story, ay pinangungunahan nina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez, Janine Desiderio, Miguel Faustmann, Arianne Bautista, Rob Moya at ni Sofia Pablo.
Ang “Love Conquers All” ay idinirehe ni Marvin Agustin, sa malikhaing panulat ni Glaiza Ramirez , at pananaliksik ni Gel Lauño. Mapapanuod na ngayong Sabado April 14, 2018, pagkatapos ng Pepito Manaloto.