
Itinatampok sina John Arcilla at Kristoffer Martin ngayong Sabado, June 18 sa 'Magpakailanman.'
Ang mga ama ang kadalasang iniidolo at tinitingala nating mga kabataan. Lalo na at naibibigay nila sa atin ang ating mga pangangailangan. Pero pano kung ang kapalit naman nito ay malalayo sa atin ang ating ama? Paano kung malaman mo na hindi pala tulad ng inaakala mo kanyang trabaho?
Ngayong Sabado, June 18, panoorin natin ang totoong kuwento nila Hector at Lito – Isang kakaibang kwento ng mag-amang muling nagkita sa loob ng bilangguan.
Masipag na anak si Lito, sa murang edad palang niya, kasa-kasama na niya si kuya Jayson niya na naghahanap buhay. Sideline bilang barker ng jeep at tagalinis ng mga wind shield tuwing umuulan.
Mabait at madiskarte sa buhay si Lito, idol na idol nya kasi si Hector na kanilang ama. Tuwing umuuwi kasi si Hector ay maraming pasalubong sa kanila. Mas malapit din si Lito kay Hector kaya naman tuwing aalis si Hector, nalulungkot si Lito.
Naging ganun nga ang systema sa bahay nila Lito. 3 araw mananatili sa kanila si Hector ay 5 hanggang 6 na buwan mawawala sa kanilang piling. Dahil sa kanilang sitwasyon ay napasama sa masamang barkada si Lito. Naging snatcher at holdaper si Lito. Hindi nagtagal ay nahuli din ng mga pulis sina Lito.
Sa loob pala ng bilangguan magbabago ng lubusan ang buhay ni Lito. Naging bataan siya ng mayor sa kanilang selda at naging kanang kamay siya. Si Lito ang nanggugulpi sa mga bagong pasok na preso. Pero paano kung ang makakasama mo pala ay ang iyong ama!?
Makukuha mo kayang saktan ang sarili mong ama na iyong iniidolo?!
Susundin mo ba ang batas sa loob ng kulungan o ang dugong dumadaloy sa iyong ugat?
Ngayong Sabado, June 18, 2016, tunghayan natin sa Magpakailanman ang “Mag-ama sa loob ng bilangguan.” Itinatampok sina John Arcilla, Kristoffer Martin, Glenda Garcia, Jess Lapid Jr., Vince Gamad, Kevin Sagra, Christian Ramirez, Bryce Eusebio, Julius Erasga at si VMiguel Gonzales.
Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal Del Rosario, mula sa panulat ni Senedy Que, at pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.