What's on TV

Magpakailanman presents "Mula Zamboanga hanggang Sementeryo: The Ethel Nierras Story"

Published February 18, 2019 4:03 PM PHT
Updated February 18, 2019 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From ₱500 to ₱1,000? TXT member Soobin’s complaint on 'overcharging' taxi sparks LTFRB probe | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News



Naging viral ang video ng kwelang probinsyanang si Ethel nang sumali ang kanyang mestisang anak na si Honey Lou sa 'Wowowin.' Sa kabila ng kanyang pagiging masayahin, isang madilim na nakaraan pala ang pinagdaanan niya. Tunghayan ang kanyang kuwento sa 'Magpakailanman.'

Naging viral ang video ng kwelang probinsyanang si Ethel nang sumali ang kanyang mestisang anak na si Honey Lou sa Wowowin. Sa kabila ng kanyang pagiging masayahin, isang madilim na nakaraan pala ang pinagdaanan niya sa kamay ng kanyang sariling ina.

Tunghayan natin ngayong Sabado, February 23, ang totoong buhay ni Ethel--isang ina na kasalukuyang itinataguyod ang kanyang mga anak sa sementeryo na inabuso at ibinugaw ng kanyang nanay. May puwang pa kaya ang kapatawaran sa puso niya?

Ngayong Sabado, sabay-sabay nating subaybayan sa Magpakailanman ang isa na namang makabuluhang kwento na pinamagatang "MULA ZAMBOANGA HANGGANG SEMENTERYO: THE ETHEL NIERRAS STORY".

Sa pangunguna ng Kapuso star na si Manilyn Reynes sa kanyang madamdaming pagganap bilang Ethel. Kasama rin sina Eunice Lagusad bilang batang Ethel, Irma Adlawan bilang Nanay Rosalina, Mel Kimura bilang Josie, Marlon Marce bilang Romeo at ipinapakilala si Honey Lou Nierras sa pagganap ng kanyang sariling buhay.

Sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni John Roque, at matinding pananaliksik ni Cynthia delos Santos.