
Maayos na pamilya...makapagtapos ng pag-aaral...maayos na trabaho... Malusog na pangangatawan.
Ilan lamang yan sa mga kahilingan natin 'di lang sa sarili kundi para na din sa pamilya natin lalo na't papalapit ang Kapaskuhan.
Ngunit paano kung dapuaan ka ng isang sakit na syang hahadlang para ang mga pangarap mo ay makamtam?
Isa na rito si Loida -- isang consistent honor student hanggang siya'y magkolehiyo...Nakahanap ng maayos na trabaho ngunit dahil sa pagkakaroon ng bigla at matinding karamdaman ay nagbago ang noo'y maliwanag nya sanang kinabukasan.
Tunghayan ang aming pamaskong handog na totoong kuwento ng pag-asa, pag-ibig at pananampalataya. Gagampanan ni Katrina Halili at makakasama pa sina Rodjun Cruz, Glenda Garcia, Sharmaine Santiago, at Arra San Agustin.
Ang "My Christmas Lullaby: The Loida Bauto Story" ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Dominic Zapata, sa panulat ni Jason Lim at pananalilsik ni Georis Tuca.
Mapapanood ngayong Sabado, sa programang nagpapakita ng kwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.