
Ngayon darating na Sabado tunghayan ang kuwento ng isang babaeng abugado sa kanyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan.
Galing sa mahirap na pamilya si Sandy, ang kanyang ina ay battered wife, kaya dito nagsimula ang kanyang pangarap na balang araw ay gusto nyang maging abugado, para ipaglaban ang mga babaeng inaapi.
Na-meet nya sa law school si Ryan na may dalawang anak na pero hiwalay sa asawa. Na-grant ang nullity of marriage kaya nakapagpakasal na si Ryan at Sandy. Nakapasa ng Bar exam si Sandy subalit si Ryan ay 'di nya natapos ang abogasya.
Naging pro-bono lawyer si Sandy at si Ryan naman ay naging union leader ng malaking kumpanya. Naging kliente ni Atty Sandy ang mga abused women na galing sa kumpanya na pinagtratrabahuhan ni Ryan.
Hanggang sa nakilala ni Sandy ang isang nagrereklamong kliente, si Gina na 21 years old lamang. DIto ay sinalaysay nya na inabuso, pinagsamantalahan at pina-ibig lang sya ni Ryan. Nagulat si Sandy at 'di nya akalain magagawa ito ng kanyang asawa after being married for 19 years. Nag imbestiga si Sandy na bukod kay Gina ay marami pang kababaihan ang inabuso ni Ryan na mga naging kliente pa naman ni Sandy. Na grant ang nullity of marriage nina Sandy at Ryan under the grounds of psychological incapacity.
Ang "My Unlawful Husband" ay pinangunguhan nina Carla Abellana as Atty. Sandy, Neil Ryan Sese as Ryan, Lotlot de Leon as Lydia, Mon Confiado as Mario, at Elle Ramirez as Gina.
Ang "My Unlawful Husband," ay idinirihe ni Adolf Alix, sa panulat ni Senedy H. Que , at sa pananaliksik ni Gel Lauño. Mapapanuod ngayong sabado na, Sept 30, 2017 pagkatapos ng Pepito Manaloto.