What's on TV

Magpakailanman presents "My Viral Single Tatay"

Published July 29, 2019 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Nagmahal. Nagka-anak. Nasaktan. Ito ang masalimuot na kabuuan ng pinagdaanan ni Ken, ang "viral single tatay."

Dahil sa kanyang nakamamanghang kuwento, higit sa eleven million na ang views ng viral video ng partisipasyon ng single father na si Ken sa isang palaro ng programang Wowowin. Nagmahal. Nagka-anak. Nasaktan. Ito ang masalimuot na kabuuan ng kanyang pinagdaanan.

Nang magkakilala sina Ken at Mariel sa social media, nahulog agad ang loob nila sa isa't-isa. Nangarap si Ken na bumuo ng isang masayang pamilya kasama si Mariel. Pero hindi ito ikinatuwa ng kanyang mga magulang dahil si Ken ang inaasahan nila sa pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid. Dahil dito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Ken at kanyang pamilya.

Nagsama sila ni Mariel at nabuntis niya ito. Pero sa kalagitnaan ng pagdadalang-tao, ipinagtapat ni Mariel kay Ken ang isang nakagigimbal na katotohanan-- na kasal na siya sa iba at mayroon na s'yang mga anak. Pero dahil mahal ni Ken si Mariel, patuloy n'yang ibinuhos ang lahat ng oras at atensyon niya dito huwag lamang silang maghiwalay. Kahit pa nagtangka si Mariel na ilaglag ang nasa kanyang sinapupunan para tuluyan na siyang iwan.

Hanggang kailan mananatili si Ken sa bawal at nakalalasong relasyon na ito? Paano nga ba niya hinarap ang sakit at hirap dala ng panlolokong ginawa ni Mariel habang parating ang isang anghel sa kanilang buhay?

Sa pangunguna ni Derrick Monasterio, tunghayan ang kabuuan ng masalimuot at nakakaantig na kuwento ni Ken ngayong Sabado sa nangungunang drama anthology sa telebisyon, Magpakailanman.

Makakasama din sa episode sina Faith da Silva, John Kenneth Giducos, Tina Paner, Jenine Desiderio, Perry Escano, Ed Abaigar at Rosemarie Sarita.

Ang “My Viral Single Tatay” ay sa ilalim ng direksyon ni Conrado Peru, at mula sa panulat at pananaliksik ni Loi Nova. Mapapanood ngayong Sabado, August 3, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman.