What's on TV

Magpakailanman presents "Our Viral Love: The Lance Fernandez and Ella Layar story"

Published July 19, 2017 6:12 PM PHT
Updated July 20, 2017 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang nag viral na kuwento ng dalawang kabataan mula sa General Santos na nagpakilig sa ating lahat ngayong Sabado sa 'Magpakailanman.'

Madalas nating marinig ang mga katagang “Love is Complicated”. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang naniniwala sa “forever” kahit pa karamihan sa mga relasyon ngayon ay sa  pagkabigo nagtutungo.

Paano kapag nagtagpo ang puso ng isang lalaking 'di naniniwala sa walang hanggang pag-iibigan at babae na punong-puno ng pagmamahal ngunit nagiging hadlang ang pisikal na kapansanan… Mapagtutugma ba ang kanilang mga nararamdaman at masabi na natagpuan na nila ang “The One?”

Ella is a beautiful person, inside and out. Simply put, she’s a good catch. Pero may catch – Ella is a person with disability (PWD), na nakakulong sa isang wheelchair… kasi maliit ang kanyang dalawang paa. Sa isip ni Ella at sa puso niyang dati nang nasaktan, sino pa kayang lalaki ang siseryoso sa kondisyon niya?

Hanggang sa makilala nya si Lance. Sa una ay may mga 'di sila napagkakasunduan hanggang nahulog din ang loob nila sa isa’t isa.

Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang nararamdaman, at mapatunayan na may pagmamahal na magpakailanman?

Tunghayan ang nag viral na kuwento ng dalawang kabataan mula sa General Santos na nagpakilig sa ating lahat. Pangungunahan ito nina Ken Chan at Ayra Mariano. Makakasama din sina Sherilyn Reyes, Emilio Garcia, Pamela Ortiz, Lollie Mara. Ayeesha Cervantes, Yasser Marta, Karlo Duterte at Camille Canlas.

Ang episode na “Our Viral Love: The Lance Fernandez and Ella Layar Story ” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Albert Langitan, mula sa panulat ni Vinuel Ello at pananaliksik ni Georis Borbe Tuca. Mapapanood ngayong Sabado, July 22, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.