What's on TV

Magpakailanman presents "Pikot in Love"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 8:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News



Isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ng tao ay ang araw na s’ya ay ikasal sa kanyang pinakamamahal pero paano kung ang kasal ay pikot pala?


Isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ng tao ay ang araw na s’ya ay ikasal sa kanyang pinakamamahal pero paano kung ang kasal ay pikot pala?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang totoong kwento nina Allan at Malou –   isang  pag-ibig na nasimula sa PIKOT.

Nakipyesta si Allan sa probinsya ng kanyang barkada. Dito ay nakilala n’ya si Malou. Palibhasa, chickboy si Allan ay pinormahan n’ya si Malou para makascore.

Habang nasa kwarto sila at wala pang nangyayari ay biglang pumasok ang tatay ni Malou sa kwarto! Nabigla si Allan at hindi alam ang kanyang gagawin!

Kinausap n’ya si Allan na kailangan daw niyang panagutan ang nangyari sa kanila ni Malou. Nataranta si Allan sa sinabi ng tatay ni Malou.  Sinabi niyang babalikan na lang niya si Malou.

Uuwi na kasi sina Allan ng Maynila ngunit hindi pumayag ang tatay ni Malou! Kailangan daw nilang magpakasal muna bago siya makauwi ng Maynila. Sa takot ni Allan ay pumayag na lang siya. May mga kamag-anak kasing pulis at sundalo sina Malou kaya agad-agad na ikinasal si Allan kay Malou.

Nagustuhan naman ng mga magulang ni Allan si Malou dahil mabait ito at maasikaso sa bahay. Nakita rin nila na mahal ni Malou si Allan.   Pero dahil sa hindi mahal ni Allan si Malou ay patuloy pa rin s’ya sa pambabae.

Nalaman ito ng mga magulang ni Allan at s’ya ay pinagalitan. Pinayuhan s’ya ng kanyang mga magulang na mahalin si Malou dahil asawa na n’ya ito at magiging ama na s’ya.

Hindi pa rin nakinig si Allan at patuloy s’yang nambabae at nakipagbarkada. Sumama ang loob ni Malou kay Allan at dinugo ito. Agad na sinugod si Malou sa ospital. 

Tuluyan na kayang magbago si Allan sa pakikitungo n’ya kay Malou? Bigyan pa kaya ni Malou si Allan ng second chance o susuko na s’ya at tanggapin na lang na hindi s’ya talaga mahal ni Allan? Higit sa lahat, matutunan na kaya ni Allan na mahalin si Malou kahit na pinilit lang s’ya na ikasal dito?

Ngayong Sabado, June 4, tunghayan natin sa Magpakailanman ang “PIKOT IN LOVE”.

Itinatampok sina Jeric Gonzales as Allan, Klea Pineda as Malou, Bobby Andrews as Glenn, Mickey Ferriols as Alma, Ollie Espino as Mang Simon, Miggy Jimenez as Borge, Arjan Jimenez as Makoy, Analyn Barro as Cherry, Arra San Agustin as Daisy at Bobby Angeles as Sgt. Dino.

Sa ilalim ng direksyon ni Jorron Lee Monroy, mula sa panulat ni Vienuel Laviña Ello, at pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.