What's on TV

Magpakailanman presents “Sa Kabila ng Hirap: The Garrido Family Story”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 11:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SM Supermalls Celebrates DOLE’s 92nd Anniversary and Marks 30,000th Hired-On-The-Spot Milestone
These hotel offerings are perfect for the holidays
Tree from rubble lights hope in UP Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Marami sa atin ang nasasangkot sa mga aksidenteng binabalewala, o nagkakasugat nang malayo sa bituka, na dahil sa hirap ng buhay ay ibabale-wala na lang. Dito magsisimula ang kuwento ng Pamilya Garrido—sa isang aksidenteng hindi iindahin. 

Ngayong Sabado, aalamin ni Ms. Mel Tiangco kay Gloria Garrido, ina ng tatlong anak na nagsa-suffer sa muscular scoliosis, kung ano ang naging kapalit ng pagbabale-wala ng kaniyang mga anak sa kanilang maliliit na aksidente.


Marami sa atin ang nasasangkot sa mga aksidenteng binabalewala, o nagkakasugat nang malayo sa bituka, na dahil sa hirap ng buhay ay ibabale-wala na lang. Dito magsisimula ang kuwento ng Pamilya Garrido—sa isang aksidenteng hindi iindahin. Sa isang pagkadapa ng panganay na Garrido sa isang laro ng basketball.

Dahil sa kahirapan ang kadalasang palusot ng mga tao sa tuwing ayaw nilang humarap sa doctor. Ngayong Sabado, aalamin ni Ms. Mel Tiangco kay Gloria Garrido, ina ng tatlong anak na nagsa-suffer sa muscular scoliosis, kung ano ang naging kapalit ng pagbabale-wala ng kaniyang mga anak sa kanilang maliliit na aksidente.

At alamin kung paano niya itinaguyod, kasama ng kaniyang butihing asawa, ang buhay nila kung saan ang pag-asa ay wala sa mga anak, kundi sa kanilang mas nakatatanda… sa kanila, na mga magulang ng mga ito.

Itinatampok sina Chanda Romero, Rez Cortez, Enzo Pineda, Janine Gutierrez, at Miggs Cuadero, sa ilalim ng masugid na direksyon ni Adolf Alix, Jr. “Sa Kabila ng Hirap: The Garrido Family Story” is written by Gilbeys Sardea, based sa research ni Cynthia delos Santos.

Magpakailanman airs every Saturday, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.