What's on TV

Magpakailanman presents “Sex Slave: Anak, Pinabayaan ng Ina?”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



May karapatan ba ang isang anak na humadlang sa kaligayahan ng kaniyang ina—kung sa tingin niya ay makasasama ito sa pamilya? 


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang mag-inang sina Alma Moreno at Winwyn Marquez, sa isang episode ng Magpakailanman! Winwyn takes on her scariest role sa kaniyang pagsasabuhay ng mga pinagdaanan ni “Ayen,” isang dalaga na naging biktima ng isang paghihiganti laban kay “Belen,” ang ina niyang gagampanan naman ni Alma Moreno.

Dahil sa pangangailangan, hindi lumaki si “Ayen” sa poder ng kaniyang ina. Dahilan rin para maging malayo ang loob nila sa isa’t-isa, lalo pa nang magrebelde ang dalaga sa pag-aakalang hindi siya talaga mahal ng ina.

Nang maging dalagang ina si “Ayen” ay saka niya na-realize kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan ng sariling ina, at kung ano ang mga sakripisyong ginawa nito para lang masubukang bigyan siya ng mas maayos na buhay.

Pero sa panahong ito naman mahuhulog ang loob ni “Belen” sa di-hamak na mas batang tricycle driver—si “Lester.”

Walang tiwala si “Ayen” sa lalaking kinahuhumalingan ng ina, pero ano ba ang karapatan niya para humadlang sa kaligayahan ni “Belen?”

Pero paano na lang kung tama pala ang mga hinala ni “Ayen” sa lalaki? Ano ang magagawa ni “Ayen” para iligtas ang ina? At paano kung siya mismo ang malagay sa alanganin dahil sa kaniyang pagmamalasakit sa ina?

Alamin kung ano ang kahahantungan ng kuwento ni “Ayen” at ng kaniyang ina, at kung paanong ang isang babaeng matapang ay masasadlak sa pagiging isang sex slave!

Kasama ng mag-inang Alma at Winwyn, “Sex Slave: Anak, Pinabayaan ng Ina?” also stars the acting prowess of TJ Trinidad, sa direksyon ni Argel Joseph, mula sa panulat ni Senedy H. Que, based on the research of Karen Lustica.

Magpakailanman airs this Saturday, June 6, pagkatapos ng Pepito Manaloto.