What's on TV

Magpakailanman presents "Sumpa ng Kalendaryo"

Published April 3, 2019 5:37 PM PHT
Updated April 3, 2019 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Isang nakakakilabot na pagtatanghal ang mapapanood sa 'Magpakailanman' ngayong darating na ika-anim ng Abril.

Parehong relihiyoso sina Sonya at Ronnie. Parehas din silang miyembro ng isang charismatic group. Dahil madalas nagkakasama, dito na rin sila nagkagustuhan at nagkaroon ng relasyon. Pero nalaman ni Sonya na may hindi pa pala natatapos na relasyon si Ronnie sa ibang babae, kaya nakipaghiwalay si Sonya kay Ronnie.

Megan Young and Benjamin Alves
Megan Young and Benjamin Alves

Pumasok ng seminaryo para magpari si Ronnie habang pumasok naman sa pagmamadre si Sonya. Pero makalipas ang dalawang taon, hindi pa rin magawang makalimutan nina Ronnie at Sonya ang isa't-isa, kaya tinalikuran nila ang mga bokasyon at nagdesisyon na silang magpakasal.

Masaya ang unang taon ng pagsasama ng mag-asawa. Hanggang may matanggap silang isang kalendaryo na may mga larawan nila Mama Mary at Jesus Christ. Nagustuhan nina Sonya at Ronnie ang imahe ng 'I Thirst' ni Jesus Christ, kaya pina-frame nila ito at nilagay sa altar. Araw-araw nila itong dinadasalan para magbigay daw ng proteksyon sa kanila lalong-lalo na sa pagbubuntis noon ni Sonya

Pero imbis na mabiyayaan sila ng tahimik na buhay ay nagsimulang maging magulo ang pagsasama nila. Unti-unting nagbago ang ugali nila Sonya at Ronnie. Nag-aaway na rin ang dalawa na para bang sinapian sila ng mga demonyo sa katawan.

Isang gabing magising si Sonya ay laking gulat at takot na lamang niya ng makita niya na bigla siyang tinubuan ng mga sugat sa paa at katawan.

Kung kani-kaninong doktor na sila lumapit pero walang nakapagsabi sa kakaibang sakit ni Sonya. Lumapit na rin sila sa mga albularyo pero hindi pa rin naghihilom ang sugat niya.

Hanggang isang araw, nakita ng nanay ni Ronnie na nag-iba raw ang anyo ng imahe sa altar. Ang koronang tinik na nakapatong kay Jesus Christ ay naging isang sungay na parang demonyo. Ipinagbalewala lang ito ng mag-asawa.

Pero biglang duduguin si Sonya, maisusugod sa ospital at muntikan pang makunan. Dito na magagalit sa Diyos si Ronnie. Sisirain niya ang framed picture, pero himalang hindi niya ito mababasag.

Dito na maiisip ni Ronnie na lumapit na sa kaibigan nilang pari. Ibi-bless naman agad ng pari ang kanilang bahay, pero ng lumapit na ang pari sa altar, biglang makakaramdam ang pari na parang may sumasakal sa kanya ng mahigpit. Dito na mapagtatanto ng pari na maaaring ang imaheng sinasamba nila ay sinasapian ng seven demons.

Sa tulong ng mga miyembro ng charismatic group at sa pangunguna ng pari at ni Ronnie ay palalayasin nila ang masamang espiritung sumasanib sa imahe. Matapos nito ay himalang mawawala na ang mga sugat ni Sonya sa katawan.

Ang nakakakilabot na pagtatanghal na ito ng Magpakailanman ay mapapanood na ngayong darating na ika-anim ng Abril. Ito ay kinatatampukan nina MEGAN YOUNG bilang si Sonya, BENJAMIN ALVES bilang si Ronnie, ROB MOYA bilang si Father Pepe at ROSEMARIE SARITA bilang si Mama Cristy. Sa direksyon ni JORRON MONROY, sa pananaliksik no RODNEY JUNIO at sa panulat ni VIENUEL ELLO.