What's on TV

'Magpakailanman' presents "Sweet Smell of Success: #DonitaNoseStoryOnMPK"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 10, 2017 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado, February 11, tunghayan ang kwento ng comedian/host ng 'Wowowin' na si Donita Nose.

Ngayong Sabado, February 11, tunghayan ang kwento ng comedian/host ng Wowowin na si Donita Nose, kung paano niya napagtagumpayan ang kahirapan ng buhay at nalagpasan ang mga pagsubok sa buhay. Binansagan daw siyang Donita Nose dahil idol niya si Donita Rose at Nose naman dahil matangos ang ilong niya.
 
Bata pa lamang si Donita o Ogie ang tawag sa kanya noon maliit pa ay di na sya tanggap ng tatay nya. Kahit  na-stroke na ang tatay nya ay nasasapak sya nito dahil bakla raw sya. Dahil ang nanay na lang nya ang nagtratrabaho bilang janitress, tumulong si Donita sa pagtitinda sa palengke ng plastic, saging at kung ano-ano pa. Pero di sapat ng lahat ng ito para mapalapit sya sa kanyang ama. Pinadala sya sa Iligan City para dun mag aral pero naging alipin lang sya sa piling ng kanyang tiyuhin. Pero nagpursige syang matapos ang High School. Bumalik sya sa Maynila at nag aral ng Kolehiyo. Nagworking student din sya sa isang restaurant. Hanggang makatapos ng pag aaral. Pero dinala sya ng Kapalaran sa pagiging comedian/singer host sa mga comedy bar. Hanggang sa nasadlak sa sugal. Muling nakabangon hanggang sa na-discover sya ni Willie Revillame at dito na sya nakatayong muli.
 
Tunghayan ang kuwento ni Donita, kung paano sya naging tagumpay sa buhay na pinangungunahan mismo ni Donita Nose. Itinatampok din sina Cristina Paner, Cris Villanueva, Jeric Gonzales, Mark Justine Alvarez, Sancho delas Alas, Gilleth Sandico, Mega Unciano at Janelle "Kimchi" Tee.
 
Ang "Sweet Smell of Success" ay idinerehe ni Mark Sicat Dela Cruz, sa Panulat ni Senedy Que. Sa pananaliksik ni Gel Lauño. Ngayon darating na Sabado , pagkatapos ng Pepito Manaloto.