What's on TV

Magpakailanman presents "Tatlong Henerasyon ng Sipag at Tiyaga"

Published February 6, 2019 11:48 AM PHT
Updated February 6, 2019 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang isang espesyal na handog ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado.

May hihigit pa ba sa pinagdaanan ng isang babaeng hindi marunong bumasa at sumulat, lumaki sa kahirapan at pinagkaitan ng tamang edukasyon dahil lamang sa paniniwala ng kanyang amang ang lugar ng isang babae ay tanging sa kanyang tahanan lamang para pagsilbihan lang ang kanyang asawa at mga anak?

Nuong panahong 1900's kung kailan walang gaanong tinig ang mga kababaihan, patutunayan ni LELANG na may karapatan din sa larangan ng edukasyon at pagsulong ng kabuhayan para sa kanyang Pamilya ang isang babae. Sa pamamagitan lamang ng pagtitinda ng Ikmo, nakabili siya ng isang maliit na bukid na pagyayamanin nilang mag-asawa upang mabigyan ng maayos na kinabukasan ang kanilang mga anak. Hindi naging hadlang ang pagkamatay ng kanyang asawa upang tumigil si Lelang na mangarap.

Ang kanyang panganay na si FILEMON ay naging isang Doktor at pinasok ang daigdig ng Politika. Sa tulong at suporta ng kanyang butihing asawang si LYDIA, nagtagumpay si Filemon. Iniwan ni Lydia ang pagtuturo upang gampanan ang isang dakilang tungkulin niya bilang ina nina CYNTHIA at ng iba pa niyang mga anak.

Ang kanyang Lolang si Lelang at ang inang si Lydia ay magsisilbing inspirasyon at mga huwaran ni Cynthia upang magsumikap na makatapos at higitan pa ang isang simpleng pangarap niya noon.Sa kabila ng magandang relasyon niya sa matalino at matiyagang kasintahang si MANNY VILLAR, hindi napigil si Cynthia sa posible pa niyang marating sa kanyang propesyon at karera.

Magkatuwang sina Cynthia at Manny na napaunlad ang kanilang kabuhayan hindi lamang para sa kanilang mga anak kundi para din sa maliliit na magsasakang umaasa at nakinabang sa kanilang ginintuang puso at mga adhikain para sa bayan.

Si Senadora CYNTHIA VILLAR ay bunga ng pinagsamang katangian ng kanyang huwarang sina lola Lelang at Mama Lydia-- Isang babaeng handang patunayang hindi lamang sa pagiging isang mabuting ina ang halaga niya kundi gayundin sa kanyang bayan at sa kanyang kapuwa Pilipino.

Ito ay isang espesyal na handog ng MAGPAKAILANMAN na pangungunahan ng naglalakihang KAPUSO stars mula sa direksyon ni MARK REYES at sa panulat ni GINA MARISSA TAGASA.